Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Kalat-kalat na pag-ulan asahan sa buong PH; Super Typhoon Bavi lumalakas sa labas ng PAR

Asahan ang kalat-kalat na pag-ulan o thunderstorms sa buong bansa nitong Sabado, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Sa 4 a.m. bulletin, sinabi ng Pagasa na makararanas ng partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms ang Cagayan Valley, Bicol Region, Eastern Visayas, Aurora, Quezon, at Dinagat Islands dahil sa easterlies.

Ganoon din ang magiging lagay ng panahon sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa dahil naman sa localized thunderstorms.

Ayon sa weather bureau, light to moderate winds at slight to moderate seas ang mararanasan sa buong kapuluan.

Samantala, patuloy na lumalakas ang tropical cyclone na binabantayan ng Pagasa sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Dakong 3 a.m., huling namataan ang Super Typhoon Bavi sa layong 2,985 kilometers silangan ng Eastern Visayas.

Taglay nito ang maximum sustained winds na 195 kilometers per hour at pagbugsong umaabot sa 240 kilometers per hour. Kumikilos si Bavi pa-kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.

Patuloy na pinapayuhan ang publiko na bantayan ang mga susunod na weather updates, lalo na habang nananatiling malakas ang bagyo sa labas ng PAR. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles