Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

P2.4M smuggled na sigarilyo, nasabat sa baybayin ng Zamboanga

ZAMBOANGA CITY — Aabot sa P2.4 milyon halaga ng smuggled cigarettes ang nasabat ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon madaling-araw ng Miyerkules sa nasabing lungsod.

Ayon kay Col. Fidel Fortaleza Jr., director ng Zamboanga City Police Office, bandang alas-3:30 ng umaga nang madiskubre ang kontrabando sa Isla Berde, Chonga Drive sa Barangay Talon-Talon.

“The cigarettes were spotted along the shoreline, and the persons hauling it immediately escaped and abandoned the smuggled items upon sensing the presence of the policemen and other operatives,” ani Fortaleza.

Batay sa imbestigasyon, iniwan ng mga suspek ang mga kahon ng sigarilyo at agad tumakas nang maramdaman ang presensya ng mga pulis at operatiba sa lugar.

Narekober sa operasyon ang kabuuang 41 master cases ng sigarilyo na may tinatayang halaga na Php2.46 milyon.

Napag-alaman na ang mga nasabat na sigarilyo ay may brand name na gawa sa North Sulawesi, Indonesia, indikasyon na ito ay ipinuslit mula sa labas ng bansa.

Sinabi ni Fortaleza na patuloy ang koordinasyon ng ZCPO sa Criminal Investigation and Detection Group at sa Regional Maritime Unit 9 sa Zamboanga Peninsula para matukoy ang mga responsable at ang pinagmulan ng kontrabando.

Dinala ang mga nakumpiskang sigarilyo sa Zamboanga City Police Station 12 para sa tamang disposisyon at kaukulang proseso.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy ang mga may-ari ng mga puslit na sigarilyo at posibleng kaso na isasampa laban sa mga sangkot. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles