Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

P13.16M mining equipment, mineral ore nasabat; 3 arestado sa Iligan

Tatlong lalaki ang arestado habang P13.16 milyon halaga ng mining equipment at hinihinalang mineral ore ang nasabat sa operasyon kontra ilegal na pagmimina sa Iligan City.

Isinagawa ng Police Regional Office 10 ang Oplan Kalikasan noong August 19, sa Sitio Binasan, Barangay Rogongon.

Nakatuwang sa operasyon ang Department of Environment and Natural Resources–Community Environment and Natural Resources Office (DENR-CENRO) Iligan, ang Task Force Kinaiyahan ng lokal na pamahalaan, at iba pang unit ng Philippine National Police (PNP), sa koordinasyon ng Iligan City Police Office, Police Station 6.

Kinilala sa mga alyas na “Rom,” 35; “Nel,” 45; at “Andoy,” 61, ang mga naaresto. Pawang residente ng Cagayan de Oro City ang mga suspek.

Nagsimula ang operasyon matapos makatanggap ang mga awtoridad ng impormasyon mula sa isang confidential informant tungkol sa umano’y ilegal na pagmimina sa lugar.

Pagdating ng operating personnel, nadatnan umano nila ang ilang indibidwal na nagsasagawa ng mining activities. Nakatakas ang iba habang nadakip ang tatlong suspek.

Nasamsam ang isang heavy-duty backhoe, isang crawler excavator, isang fire hose, dalawang blue plastic hose, isang bilingan, isang improvised separator at walong water pump na iba’t ibang brand.

Narekober din ang kalahating sako ng hinihinalang mineral ore. Tinatayang P13.16 milyon ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang kagamitan at materyales.

Isinagawa ang inventory sa harap ng mga forest ranger ng DENR-CENRO Iligan at mga opisyal ng barangay.

Dinala ang mga naaresto at ebidensya sa Criminal Investigation and Detection Group Iligan City Field Unit Office para sa kaukulang disposisyon.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Presidential Decree No. 705 o Revised Forestry Code of the Philippines para sa inquest filing sa Office of the City Prosecutor ng Iligan City. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles