Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Converge hinarang ang 12B harmful content requests, 72K domains

Hinarang ng Converge ICT Solutions Inc. ang halos 12 bilyong requests na kumonekta sa mapanganib o hindi angkop na websites noong 2025 bilang bahagi ng pinaigting nitong proteksyon sa mga bata online.

Mahigit 72,000 domains na nauugnay sa harmful content ang isinama rin ng fiber broadband provider sa blacklist nito.

“We have always taken a hard line against dangerous and illicit content that harms the most vulnerable in our society, especially our children,” ani Converge chief executive officer Dennis Anthony Uy.

Namumuhunan ang kumpanya sa network defense tools na humaharang sa mapaminsalang content, illegal online activities, at iba pang cyber threats, kabilang ang mga materyales na nagpapakita ng matinding karahasan.

Nakikipag-ugnayan din ang Converge sa Department of Information and Communications Technology, National Telecommunications Commission, Cybercrime Investigation and Coordinating Center at Philippine National Police.

Kabilang din sa mga international partner nito ang Internet Watch Foundation, na tumutulong sa pagtukoy at pagpigil sa pagkalat ng iligal na online content.

Ayon sa kumpanya, isinasagawa ang pagharang alinsunod sa due process na nakapaloob sa Human Rights Policy nito.

May ipinatutupad din ang Converge na Child Online Safeguarding Policy upang protektahan ang mga menor de edad laban sa cyber threats, online exploitation at karahasan.

Tiniyak ni Uy na patuloy na makikipagtulungan ang Converge sa pamahalaan at iba pang kumpanya sa industriya upang maisulong ang mas ligtas na internet para sa mga Pilipino. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles