Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

P1.16M iligal na vape products nasamsam sa Caloocan, 2 timbog

Timbog ang dalawang indibidwal matapos makumpiska ang tinatayang P1.16 milyong halaga ng mga hindi rehistradong flavored vape products sa Bagong Silang North, Caloocan City noong October 15.

Isinagawa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Eastern District Field Unit ang operasyon laban sa umano’y ilegal na bentahan at distribusyon ng vape products.

Ayon sa pulisya, walang kinakailangang License to Operate (LTO) at Certificate of Product Notification ang mga produktong ibinebenta.

Nahaharap ang dalawang suspek sa posibleng kasong paglabag sa Republic Act No. 11900 o Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act, kaugnay ng Republic Act No. 7394 o Consumer Act of the Philippines at Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga nakumpiskang vape products habang inihahanda ang kaukulang legal proceedings laban sa mga naaresto.

Binigyang-diin ng pulisya na kailangang sumunod ang mga nagbebenta ng vape products sa registration at product notification requirements bago ito ialok sa publiko.

Patuloy ding binabantayan ang bentahan ng mga produktong walang kinakailangang dokumento at hindi pa dumaraan sa itinakdang regulatory checks. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles