Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Online lender, pinagmulta ng SEC dahil sa sobrang interes, pananakot sa borrower

Pinagmulta ng Securities and Exchange Commission (SEC) ng mahigit P1 million ang Inclusive Credit Lending, Inc. matapos mapatunayang naningil umano ng sobrang taas na interes at gumamit ng unfair debt collection practices.

Sa order na may petsang July 21, sinabi ng SEC Financing and Lending Companies Department (FLCD) na lumabag ang kumpanya sa SEC Memorandum Circular (MC) No. 3, na nagtatakda ng interest rate at fee ceiling para sa online lending platforms, at sa MC No. 18, Series of 2019, na nagbabawal sa unfair debt collection practices.

Inatasan ng SEC ang Inclusive Credit na magbayad ng P1.03 million administrative fine.

Nagsimula ang kaso matapos magreklamo ang isang borrower laban sa Investor Credit, sa pamamagitan ng online lending platform nitong Pinoy Peso.

Ayon sa reklamo, kinakaltasan umano ng 38 percent ang principal amount ng bawat loan transaction. Inireklamo rin ng borrower na nakaranas siya ng pagbabanta, harassment, at public shaming habang sinisingil sa utang.

Sa imbestigasyon ng FLCD, lumabas na ang 38 percent upfront charge sa Pinoy Peso ay katumbas ng seven-day effective interest rate (EIR) na 61.29 percent, o katumbas ng 262.67 percent kada buwan at 8.67 percent kada araw.

Lumampas ito sa itinakdang EIR ceiling na 15 percent kada buwan, o humigit-kumulang 0.5 percent kada araw, na paglabag sa MC No. 3.

Natuklasan din ng SEC na nakaranas ang borrower ng mga banta na nakasira umano sa kanyang reputasyon, kabilang ang pag-post ng kanyang pagkakakilanlan at larawan sa social media dahil sa hindi pagbabayad ng utang. Ito ay paglabag naman sa MC No. 18.

“The Department finds, by substantial evidence, that the questioned collection communications are sufficiently attributable to the collection of the Complainant’s Pinoy Peso loan obligations,” ayon sa order.

“The Department does not hold that a demand for payment, even one expressed firmly, is by itself unlawful. A creditor has the right to collect a valid obligation. But the right to collect is not a license to humiliate,” dagdag pa nito. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles