Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ombudsman kay Chiz: Sagot!

Pinapagsumite na ng counter-affidavit ng Office of the Ombudsman si Sen. Francis “Chiz” Escudero kaugnay ng mga alegasyong nag-uugnay sa kanya sa flood control mess.

Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano nitong Huwebes, nasa preliminary investigation stage na ang reklamo laban kay Escudero.

“‘Yung kay Senator Chiz Escudero ay nasa preliminary investigation stage na po. There was an order to submit counter affidavit, na-receive ng opisina ni Chiz Escudero,” ani Clavano sa isang panayam sa Super Radyo dzBB.

Dagdag pa niya, hinihintay na lamang ng panel ang sagot ni Escudero para umusad ang imbestigasyon.

“I believe ‘yung panel po natin ay naghihintay na lang sa kanyang counter affidavit para umusad na po,” sabi ni Clavano.

Nauna nang itinanggi ni Escudero ang pagkakasangkot sa anomalous flood control projects.

Nauna na ring sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na nagsasagawa ang kanyang opisina ng criminal case buildup laban kay Escudero. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles