Box-office na matatawag ang tila mala-pelikulang eksenang pagbuhos ng emosyon ni Lotlot de leon para kontrahin ang napanood niyang interview ng “kapatid” na si Ian de leon sa Fast Talk With Boy Abunda show last Friday, June 19.
“Taped” interview na pala ang sinasabing episode para sa selebrasyon ng Father’s Day, bilang si Ian ay isa na din namang ama. Napag-alaman ng BISTADO na noong June 9, pa pala yun na-tape at i-ere lang for Father’s Day episode.
Noong Friday ng gabi din ay dumalo si Lotlot de leon sa press conference ng pelikulang “40 Days” kung saan katabi nga niya sa mesa ang mga co-stars na sina Elizabeth Oropesa, Dina Bonnevie at Snooky Serna at iba pang mga involved sa production.
Matitindi ang mga binitawang pananalita ni Lotlot na sumentro sa umano’y pagsisinungaling ni Ian at patuloy nitong pagpapakita ng impresyong nag-aaway-away sila nang dahil sa mga naiwang ari-arian ng “mommy” nilang si Nora Aunor, ang Superstar at National Artist ng Broadcast at Film.
Sa naturang presscon ay agad daw na nagparamdam ng galit si Lotlot dahil nga daw sa napanood nitong panayam sa kapatid earlier on.
“Ang walang katapusang ampon. Ako ang ampon ng pamilya dito,” paglalarawan daw ni Lotlot sa kanyang role sa movie na sinakyan naman umano ng moderator ng presscon na baka daw mag-viral sila dahil sa pahayag ng aktres.

Sagot ng aktres, “Gusto ko nga mag-viral para sa pelikula.”
Then, agad daw itong sinundot uli ng moderator ng presscon na , “Mai-insecure si Matet!”
At sinagot daw ni Lotlot, “Ay hindi! Hindi mai-insecure yon. Iba ang mai-insecure. Gusto mo sabihin ko ang pangalan?”
Dagdag pa nito, “Ma-tense na kayong lahat kasi malapit na! Sorry, ha, dahil umuusok ang tenga ko ngayong araw na ito, e. So, pasensiya na kayo. Ito naman ang hinihingi, di ba? So let’s give what’s being asked.”
At doon na nga nagbuhos ng matitinding resbak si Lotlot laban kay Ian tungkol sa tila hindi pagrespeto sa kanya bilang ate, na inalagaan niya ang lahat ng magkakapatid mula kay Ian, hanggang kina Matet, Kiko at Kenneth.
Na ginagawa niya ang pagtatanggol para sa mga kapatid at wala silang balak na maghabol sa anumang manang sinasabi kasama ng ang mga usapin sa Foundation ni Nora Aunor at iba pang kaugnay na usapin tungkol dito.
“Anong mana ba? Wala namang mga ari-arian na iniwan si Mommy, kundi yung sa Bicol lang? Hindi ako naghahabol dahil kahit noon pa, hindi ako umasa. Nabuhay ako at natulungan ko ang mga kapatid ko sa sariling kayod at sikap ko. Sapat na yung binuhay ako ng isang Nora Aunor, at naging mommy ko ang isang Superstar,” bahagi pa ng buhos ng emosyon ni Lotlot na tumagal ng mahabang oras.
Kahit ang mga co-stars niyang sina Elizabeth, Snooky at Dina ay naantig sa kanyang kuwento at talaga namang pinag-usapan tuloy ang promo ng movie nila.
Nitong Sabado, June 20, agad din namang nag-post sa kanyang FB account si Ian bilang tugon sa mga pinakawalang alegasyon ng ate niya.
Naririto ang ilang highlights sa naturang tugon ni Ian, na na-published din sa ibang showbiz sites, gaya ng PEP, and we quote here:
“After Mom died, nagmadali kayo magtayo ng foundation kase baka maunahan ng iba? You think SEC will approve random people to put up a foundation using mom’s name? That time, I said I’m not ready to commit dahil gusto kong ayusin muna nila yung legal papers niyan.”
“I know the plans and my suggestion to them is that fix the legalities first before launching it. Days and days after launching, I was monitoring their SEC registration but it’s still not yet up.”
“The staff of a significant figure even informed us that they donated and may nilapitan pa silang isang malaking tao. Also the office informed us but they hesitated to donate, which made me post a statement to protect my family in case of any legal problems.”
“Gusto nyo akong i-entrap during 1 event to sign something without telling right away what our dinner is all about. That’s why pala you have your lawyers with you. Thankfully, this person [asked] us for dinner that I can’t decline.”
“The projects/plans for the legacy are the first to come before fixing any legalities and was still a concept at that time. Now, there are issues but the planning are still ongoing.
“I cannot just stop what I’m doing just because of the issues and why am I going to include a person who refuses to cooperate?
“He never told us anything? So wala na yung Zoom meeting ng dalawang beses sila umattend? Wala na din yung during 40 days na nag-decline ka?
“At sinungaling din ba si Tita T. na tinawagan ka to join us pero sabi mo, no kasi kase work ka pa naman at inuna kase akong kinausap?
“Why? Is it because it was me? Why?”
Nag-react din si Ian sa pahayag na ito ni Lotlot: “I will not allow anyone to put Matet down, to put Kiko down, to put Ken down, and to say all these lies ‘coz it’s not true!”
Sabi ni Ian: “Who put down the siblings? Did you even watch the whole show before reacting?
“Kayo lang ba pwede magpa-interview? I don’t go out just like that. It’s for Father’s Day episode.
“Enough with the lies? You stop. You stop telling lies especially to my dad.”
Sinagot din ni Ian ang sinabi ni Lotlot na itinuring siya nitong kapatid.
Aniya: “Tinuring mo akong kapatid?
Tinuring din kitang parang totoong kapatid! And I still call you ate.
“Sa akin na lahat?
“After the state funeral, when 5 of us are talking, I was clear that I told you guys na tulong tulong tayong lima dito at maging transparent sa isa’t isa and everything will take time and everything will be equally divided pero ang pinalabas is madamot ako. Why?
Sabi pa ni Ian sa huli: “Sino ang may inaagaw? I didn’t say na may inaagaw kayo. Why say that? To put me down?”
Viral na viral ang naturang sagutan ng magkapatid sa ngayon. Marami ang nalulunngkot dahil patay na nga raw at lahat si Nora Aunor, pero ganito ang nangyayari sa mga naiwan niyang mga anak.
Si Ian lamang ang biological na anak nina Nora Aunor at Christopher de leon, though ipinagamit ng batikang aktor ang kanyang apelyido kina Lotlot at Matet.
Ang apelyido namang gamit ng dalawa pang adopted kids ni Nora na sina Kiko at Ken ay gumamit ng apelyido ng nanay ni Nora.
Minsan nang nagpahayag ng kanyang saloobin si Matet na nag-viral din.
Halo-halo naman ang reactions ng mga fans ni Nora pero tila mas kinakampihan nila si Ian dahil ito raw ang higit na may karapatan maski na sa legacy ng ina, bilang Superstar at National Artist.
Wala pang pahayag si Christopher de leon sa gulong nangyayari sa mga anak.
Samantala, may kinausap ang BISTADO na napakalapit na kaanak ni Nora Aunor from Bicol, subalit ayaw na daw nilang makisawsaw pa lalo’t totoo naman daw na usaping mga anak iyan.
Pero klinaro ng same source na halos wala na rin ang mga sinasabing ekta-ektaryang lupain at mga ari-arian ni Nora sa Bicol dahil umano matagal na itong naibenta at yung iba ay naisanla rin sa mga kaanak noong mga panahon na may problema sa pera si Nora at noong naninarahan ito sa USA.
Ano pa kaya ang mga susunod na drama at kaganapan sa mga ganitong tagpo? Abangan!


