Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

NKTI puno na sa leptospirosis cases; PGH handang sumalo ng pasyente

Umabot na sa full bed capacity ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa gitna ng pagdami ng mga pasyenteng may leptospirosis, habang tiniyak ng Malacañang na handang tumulong ang Philippine General Hospital (PGH).

Sa Palace press briefing nitong Martes, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na nakatutok ang administrasyon sa kalusugan ng publiko.

“Alam naman natin na isa sa pinakamahalaga at tinututukan ng Pangulo ang kalusugan,” diin ni Castro.

Ayon kay Castro, batid ni Department of Health (DOH) Secretary Edwin Mercado ang sitwasyon at inaasahang gagawa ng kinakailangang hakbang para mabilis na matugunan ang pangangailangan ng mga pasyente, partikular ang mga may leptospirosis.

“Kaya alam din ng Secretary ng DOH kung ano ang dapat na gawin para mas mabilis na matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan, lalong-lalo na doon sa mga nagsa-suffer ng leptospirosis,” ani Castro.

Handa aniya ang PGH na tumulong kung kapusin sa kama o espasyo ang NKTI.

“Nagkaroon ang PGH ng statement na sila ay tutulong kung kinakapos ng espasyo o bed capacity ang NKTI,” pagtitiyak ni Castro.

Maaari ring ilipat sa PGH ang mga pasyenteng walang leptospirosis upang magkaroon ng karagdagang espasyo sa NKTI para sa mga nangangailangan ng gamutan.

“Kung ang mga pasyente na hindi naman nagsa-suffer ng leptospirosis, maaari naman silang lumipat sa PGH. So, makikipagtulungan ang PGH sa NKTI,” pahayag niya.

Ayon sa Palasyo, layunin ng koordinasyon ng mga pampublikong ospital na matiyak na patuloy na makatatanggap ng agarang serbisyong medikal ang mga pasyente habang tumataas ang leptospirosis cases kasunod ng malawakang pagbaha at matinding pag-ulan. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles