Ang pambatong outside spiker ng Adamson University na si Shaina Nitura ay nakatakdang maging unang UAAP Most Valuable Player sa women’s volleyball ng eskwelahan.
Dinala muli ni Nitura ang Lady Falcons sa Final Four matapos ang tatlong taon. Nakagawa na sya ng kabuuang 284 points sa 248 atake, 24 blocks at 12 aces sa kasalukuyang Season 88.
Si Nitura, edad 21, ang Rookie of the Year noong Season 87. Si Sam Cantada ng defending champion National University ang papalit sa kanyang trono.
Bilang season MVP, nanguna sya statistical points (98.511), o mahigit 16 points abante sa teammate na si Frances Mordi (82.766).
Makukuha rin nina Nitura at Angel Canino ng La Salle ang Best Outside Spiker award.
Samantala, makakalaban ng Adamson sa stepladder semifinals ang magwawagi sa playoff sa pagitan ng University of Santo Tomas at Far Eastern University ngayong araw.
Pasok na sa finals ang De La Salle University matapos ang 14-0 elimination sweep samantalang No. 3 ang Adamson.
Nagtapos na No. 2 sa eliminations ang NU matapos talunin ang UST, 19-25, 23-25, 25-18, 25-18, 15-13. Alinman sa Adamson at sa katunggali nito ang susunod na makakaharap ng NU sa Final Four.
Ang iba pang magiging awardee ng Season 88 ay sina Shevana Laput ng La Salle, Best Opposite Spiker; Amie Provido ng La Salle at Niña Ytang ng University of the Philippines, Best Middle Blocker; Fhei Sagaysay ng Adamson, Best Setter; Shaira Jardio ng NU, Best Libero


