Wala pang kahit anong pahayag na inilalabas angg aktor-pulitikong si Manuel Chua sa nagvi-viral ngayong ‘sex scandal’ niya sa online world.
Gaya ng ibang celebrities na nauna ng na-identify tulad nina Ron Angeles, Gil Cuerva, Nikko natividad, Aaron Villaflor, Nico Locco at iba pang mga hunk model-celebrities, bigla-bigla ding lumutang at pinag-uusapan ang version naman ni Manuel.
Produkto si Manuel ng Fear Factor reality show noong 2009 sa ABS-CBN kung saan siya ang naging grand winner. Nagkaroon siya ng maraming mga shows sa TV at mga ginawang pelikula kaya’t masasabing nagkapangalan siya sa showbiz.
Pumasok siya sa pulitika nitong 2022 kung saan nanalo siyang City Councilor sa San Jose, Nueva Ecija. Aktibo pa rin siya sa showbiz at the same time.
Rumarampa din siya sa mga fashion shows gaya ng BENCH dahil taglay nga niya ang simpleng kaguwapuhan na may magandang pangangatawang pang-modelo.
Sa naturang rampahan nga siya nakilala ng netizen o mga nasa alter world kung saan kalat na kalat na ang nasabing sex video.
“Hindi puwedeng itanggi na hindi siya yun. Mukhang-mukha, katawan na katawan at sobrang naka-salamin sa mata na gaya ng madalas niyang isuot sa mga photoshoots. At ang pinaka-obvious ay yung very identifiable niyang ‘tattoo” sa may pusod patungong puson,” reaksyon ng netizen.
“Pero kung performance at size ng “junjun” ang pag-uusapan, marami siyang kakabugin na mga ibang celebrities na may mga nag-leak na sex videos,” sigaw naman ng ilan pa.
“Grabe naman si girl (yung babae sa sex video). Lahat na lang yata ng mga guwapo at mga ‘daks’ na artista at celebrities na ginusto niya ay bongga niyang natikman. Magkakaiba lang ng araw siguro at oras at bed sheets, pero same room, same bed,same ‘tattoos’ at mga pasirko-sirko at paluhod-luhod sa mga nakasiping niya,” ang nakakalokang hirit ng mga nagsasabing masarap ding ‘sampalin’ ang nasabing babae.
Sinusubukan ng BISTADO na makuhanan ng anumang reaksyon at pahayag ang mga nangangalaga ng career ng aktor-pulitiko pero wala pa silang tugon habang sinusulat ito.
Samantala, mukhang namatay na rin ang usaping “pag de-demanda o pagsampa ng kaso sa may kagagawan ng naturang mga leaked videos involving those celebrities mentioned above.


