Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Netizens jirits: BPI app, online services down sa mismong sweldo day

Maraming netizens ang hindi napigilang magrant online matapos mag-down ang BPI app, BPI online, debit card transactions, ATMs, at CAMs noong Biyernes ng gabi, May 15, mismong sweldo day ng marami.

Bandang 6:05 p.m., naglabas ang Bank of the Philippine Islands ng advisory na unavailable ang digital at card services nito. Kinumpirma rin ito ng BPI sa official post nito.  

“The BPI app and BPI online are currently inaccessible. Transactions using BPI Debit Cards, ATMs, and CAMs are also unavailable at this time. Rest assured that our team is actively working to resolve the issue as soon as possible, and we will update once available. For urgent banking needs, you may use your BPI Credit Card,” ayon sa BPI.

Pero imbes na kumalma, mas lalong uminit ang ulo ng ilang account holders dahil sa timing ng aberya. Marami ang nagsabing kailangan nila ang pera para mag-withdraw, magbayad, o gumastos matapos sumahod.

“BPI kahit kailan ka talaga!” komento ng isang netizen.

“BPI walang announcement? Down yung mobile banking app, offline yung mga ATM, di rin pwede mag withdraw sa non BPI ATM’s nakalagay “Your Bank is not Available”???” reklamo naman ng isa pa.

May ilan ding dinaan sa biro ang inis.

“Lumbay. Para saan pa ang sweldo? Tapon ko na ‘tong ATM card ko.”

Mas direkta naman ang hinaing ng isang user na nasa pila umano sa tindahan nang hindi gumana ang transaction.

“Tumataas BP ko kanina sa Uniqlo and tagal ko nakapila kaloka tapos di gumagana! Pano pala kung kumakain kami sa restaurant? E di naghugas kami at nagmukhang tanga?”

Bandang 10:50 p.m., nag-update ang BPI na available na muli ang debit card, ATM, at CAM transactions, pero hindi pa restored ang app at online banking.  

“Transactions using BPI Debit Cards, ATMs, and CAMs are now available. Meanwhile, we’re still working on restoring access to the BPI app and BPI online. Thank you for your patience and understanding,” pahayag ng BPI sa social media site na Facebook.

Pagsapit ng 12:30 a.m. ng May 16, sinabi ng BPI na restored na ang app at online banking.

“Access to the BPI app and BPI online has been restored. All banking services are now available. Thank you for your patience and understanding.”

Sa dulo, bumalik ang serbisyo, pero hindi agad nawala ang inis ng netizens. Para sa kanila, hindi simpleng outage ang nangyari, dahil tumama ito sa oras na pinaka-kailangan ng marami ang access sa sariling pera. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles