Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

MVP Trisha Tubu pararangalan sa PVL Press Corps Awards Night  

Pararangalan si Farm Fresh Foxies opposite spiker Trisha Tubu bilang Most Valuable Player (MVP) sa 2nd Pilipinas Live PVL (Premier Volleyball League) Press Corps Awards Night.

Pinangunahan ng 25-anyos na opposite spiker ang MVP race na may 171.868 puntos, batay sa hatian na 50 porsyento statistics, 30 porsyento media votes at 20 porsyento team votes.

Nag-average si Tubu ng 108.868 statistical points (SPs) sa kabuuan ng PVL On Tour, Invitationals, at All-Filipino Conference, kasama ang 50.4 media votes at 25.2 team votes upang makuha ang pinakamataas na indibidwal na parangal sa taunang awards night na gaganapin Mayo 30 sa Novotel Manila Araneta City sa Cubao, Quezon City.

Nagpakita si Tubu ng consistency mula simula hanggang matapos, at nasungkit ang Best Opposite Spiker award sa tatlong conference.

Ang dating Cignal standout na si Erika Santos, ang PVL On Tour Conference MVP na ngayo’y nasa Capital1, ay nagtapos na pangalawa sa standings na may kabuuang 157.98 puntos, mula sa 93.48 average SPs, 59.6 media votes at 19.8 team votes.

Si Brooke Van Sickle ng Nxled, ang nakaraang Season MVP at Reinforced Conference MVP, ay pumangatlo na may 155.229 total points, sa kabila ng malakas na kampanya na tampok ang 83.429 average SPs, pinakamataas na media votes na 64.8 at 23.2 team votes.

Si Vanie Gandler, isa pang dating Cignal standout na ngayon ay nasa Capital1, ay pumang-apat sa overall rankings na may 152.634 total points.

Ang All-Filipino Conference MVP ay nagtala ng pinakamababang average SPs na 79.434 dahil sa kanyang pagliban sa PVL On Tour at sa unang bahagi ng Reinforced Conference, ngunit nakakuha pa rin siya ng 55.2 media votes at pinakamataas na team votes na 31.8.

Sa gitna ng roster changes at coaching shifts, ang taga-Concepcion, Tarlac na si Tubu ang nagbigay ng stability, production at leadership sa Foxies.

Sa kanilang unang dalawang season, isang playoff appearance lamang ang naitala ng Farm Fresh sa anim na conference.

Sa 2026 season, nakapasok ang Foxies sa playoffs sa lahat ng conference, nagtala ng kanilang pinakamagandang elimination round record noong PVL On Tour, at umabot sa kauna-unahang semifinals ng prangkisa sa All-Filipino Conference, na siyang pinakamataas nilang naabot.

“Lubos na nagagalak ang bawat Tarlakenyo sa iyong pinakitang lakas at galing sa larangan ng volleyball. Naway maging inspirasyon ka sa bawat atletang Tarlakenyo. Congratulations, Tubs!” ayon sa Facebook post ng Tarlac Province Sports.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles