Kung mabibigyan pa daw ng pagkakataon na ma-i-represent ni Michelle Dee ang bansa sa anumang international beauty pageant ay game na game pa daw ang kanyang beauty at karisma.
Sa halos sunod-sunod na pagka-abala ng beauty queen actress sa mga local, regional and international pageants na naiimbita siya bilang host o judge o guest, tila muling nabuhay ang.interes ni Michelle na rumampa at i-represent ang bansa sa mga international beauty pageants.
“Her latest stint as host in the coronation night of the first ever Miss Grand International All Stars which was held last May 30 in Bangkok, Thailand, must have given her more enthusiasm and vigor to try representing Phils. in another global beauty pageant stage,” komento ng kanyang mga fans.
Sa kaugnay ding panayam kamakailan ay inihayag ni Michelle kung gaano siya ka-proud sa Pinay beauty queens na nag-represent sa bansa sa nasabing pageant, kabilang na ang co-Sparkle beauty niyang si Gazini Ganados na nakapasok sa top five.
Pagbabahagi nito, “I’m so proud of Gazini. I think the whole country is proud of Gazini. Binigay naman talaga n’ya lahat ng makakaya n’ya.”
Gaya ni Michelle, nirepresent na din ni Gazini ang bansa sa Miss Universe stage, pero hindi rin ito nagdalawang isip na muling lumahok sa naturang MGI All Stars, para sa Pilipinas.
Wika pa ni Michelle, “I never close my doors. As soon as an opportunity opens or there’s a window and as long as kaya ko pa, ilalaban ko talaga kasi I’m not ashamed to say na I’d love to represent the Philippines again.”
Noong 2023, ni-represent ni Michelle ang Pilipinas sa Miss Universe competition na ginanap sa El Salvador. Sa nasabing pageant, nakapasok siya sa top 10 at nag-uwi ng special award gaya ng Best in National Costume.
Ang kanyang TV career naman ay steady lamang dahil under Sparkle Artist Management ay nabibigyan naman siya ng mga proyektong akma sa kanyang ganda, tikas at kakayahang umarte.
Sadya nga lang daw talagang sa ngayon ay hindi nawawala ang hilig niyang rumampa, magsuot ng mga damit at sapatos, sumagot sa mga interview at magpahayag ng kanyang mga saloobin sa mga advocacy groups na kanyang kinabibilangan.


