Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

BISTONG KAPALARAN – JUNE 18

♈ Aries (March 21 to April 20): Akala mo humina ang willpower mo, pero baka kabaligtaran ang totoo. Sunod-sunod na test ang nagpatibay sa’yo. Kapag may magkakaibang taong nagbibigay ng parehong suggestion, huwag i-ignore. Doon pwedeng lumitaw ang goal na matagal mo nang hinahanap.

♉ Taurus (April 21 to May 21): Mas matibay ang pundasyon mo ngayon kesa inaakala ng iba. Kung may tao, prinsipyo, o desisyong alam mong tama, panindigan mo kahit may kokontra sa umpisa. Hindi mo kailangan ng approval para maging steady.

♊ Gemini (May 22 to June 21): May love issue na lumalaki dahil sa overthinking. Huwag gawing anxiety ang simpleng kutob. Masdan ang maliit na signal, pero huwag gumawa ng sariling pelikula sa isip. Sa pera at plano, linaw muna bago galaw.

♋ Cancer (June 22 to July 22): May values kang hindi na pwedeng i-compromise. Kung may taong humihingi ng sobra, ngayon mo malalaman kung hanggang saan ka lang. Kapag tumayo ka para sa sarili mo, may bagong respeto na susunod.

♌ Leo (July 23 to August 23): Huwag i-dismiss ang biglang instinct sa isang social setting. May taong hindi maingay pero may solid na impact sa puso o future mo. Kapag may invitation o usapan na parang casual lang, baka may mas malalim na laman.

♍ Virgo (August 24 to September 22): Oras na para ipakita ang totoong ikaw, hindi lang ang polished version. Sa trabaho, bahay, at love, mas malakas ang dating ng honest kesa perfect. Single? May “E” connection na pwedeng magpaiba ng mood mo.

♎ Libra (September 23 to October 23): May pagbabago sa social circle mo, at hindi lahat masama. May dating hindi nasabi na kailangan nang ayusin. Kapag ikaw ang unang magbukas ng usapan, mas mabilis babalik ang gaan.

♏ Scorpio (October 24 to November 22): Tingnan ulit ang fitness, routine, at daily choices mo. Hindi punishment ang pagbabago, self-respect ito. Sa love, kung may nararamdaman ka, sabihin nang malinaw. Hindi na uubra ang puro pahiwatig.

♐ Sagittarius (November 23 to December 21): May harang na ikaw mismo ang gumawa. Ngayon, kaya mo na itong tanggalin. Sa love, mabilis ang galaw kaya huwag magtago sa jokes o delay. Kung gusto mo, ipakita. Kung hindi, linawin.

♑ Capricorn (December 22 to January 20): May trabaho o relasyon na nilulunod ka dahil sobrang focused ka. Step back muna. Kapag nakita mo ang buong picture, mas magiging malinaw kung alin ang worth it at alin ang kinakarga mo lang.

♒ Aquarius (January 21 to February 18): Piliin nang mabuti kung sino ang kasama mo ngayon. Hindi lahat ng nakakatawa o familiar ay mabuti para sa direction mo. May family conversation na may mas malalim na clue, kaya makinig bago mag-react.

♓ Pisces (February 19 to March 20): Impostor syndrome ang kalaban mo ngayon. May opportunity o second chance na may “R” clue, pero kailangan mong maniwala na bagay ka roon. Huwag kang umatras dahil lang hindi ka pa sanay makita ang sarili mong umaangat.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles