Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Michael V-Manilyn Reynes, makabagong John En Marsha sa Phil. TV

Umabot na pala ng labing-anim na taon (16 years) sa Philippine television at going strong pa rin ang “Pepito Manaloto” sa GMA 7, Kapuso network.

Ngayong papasok na rin ito sa ika-17th year nila, maituturing na ngang ang tambalan nina Michael V at Manilyn Reynes ang longest reigning “tandem” sa pinoy TV.

Simula ng umere ito noong March 2010, hindi ito kailanman nawala bilang isa sa mga top rating shows, series o sitcom sa mundo ng telebisyon.

Ito nga rin ang nagbigay kulay sa well-received ding tandem nina Michael V at Manilyn, na noo’y nag-akala lamang na tatagal lang sa ere ang kanilang kuwento ng ilang taon.

“Who would have thought na by 2027 ay mag-seventeen years na kami? Non-stop airing po ito since magsimula kami noong 2010. Nagsimula sa simpleng kuwento ng mag-asawa, ng maliit na pamilya, at ngayo’y lumalaking pamilya na tipikal sa mga pinoy at mga isyung kinakaharap sa buhay araw-araw,” pahayag ng bidang si Michael V na isa din sa mga pangunahing producers at “brains” behind the series.

Kaya naman madali din itong naikumpara sa pamosong sitcom na “John En Marsha” na pinagbidahan noon nina King of Comedy Dolphy at isa sa mga reyna ng pinoy showbiz na si Nida Blanca.

Umabot ng kabuuan fifteen years (15) sa ere ang naturang show na nagbigay daan nga sa iba pang mga sitcom sa TV, at nagsilbi ding isa sa mga legacies nina Dolphy at Nida sa showbiz.

Subalit hindi gaya ng Pepito Manaloto na tuloy-tuloy ang pagpapalabas, dalawang beses na bumalik sa ere ang John En Marsha na nagsimulang ipalabas sa TV noong 1973 sa RPN Channel 9, at nagpaalam noong 1978.

Bumalik ulit ito sa ere sa parehong network noong 1980 at tumagal hanggang 1990. Parehong si direk Ading Fernando ang direktor ng naturang shows na pinagbidahan at kinalakihan din nina Maricel Soriano, Rolly Quizon, Madel de leon, Dely Atay-Atayan, Matutina, among others.

Pahayag ni Michael, “Siguro. Oo. Kasi dati yung John En Marsha sabi, seventeen years. As far as we know, ha? Pero as far as I know din, parang on and off siya. Hindi siya continuous ng seventeen years. So, yung sa amin, if it’s sixteen years, I believe ito yung pinakamatagal.”

Ang mga karakter nina Pepito at Elsa at pamilya nilang Manaloto ay maituturing ng naging parte na ng pinoy weekend TV viewing.

Sey nga ni Manilyn bilang si Elsa,”just like any other relationship, a successful relationship, ‘no, yung relasyon namin, hindi lang kay Bitoy at ni Elsa, hindi lang kami-kami, mga sari-sarili namin. Pati lahat ng characters, lahat ng artists, built talaga sa love, sa respect, at honesty. Totoo kami sa isa’t isa at sa sarili namin. So, lumalabas din yun dun sa mga ginagawa namin. At yung love namin sa show, nandun talaga.”

Dagdag pa ni Michael bilang si Pepito, “most of the stories naman na ginagawa namin sa show, galing din sa mga kuwento namin. Hindi lang ng mga artista, kundi ng mga writers din, ang mga staff and crew, at saka ang mga kaibigan namin.”

Ayon pa sa dalawang pangunahing bida ng series, very relatable ang mga kuwento at sitwasyong kanilang tinatalakay sa show.

At dahil marami din silang mga sariling inputs nila sa programa, “must” nga daw na collaborative ang mga magagandang values na nais nilang i-incorporate sa programa.

Ang mga iba pang cast members ng show na ngayo’y sobra ding grateful at thankful sa success, ups and downs ng show ay kinabibilangan din nina Jake Vargas, Angel Satsumi, John Feir, Mosang, Janna Dominguez, Arthur Solinap, Ronnie Henares, Nova Villa, Chariz Solomon, Jen Rosendahl, Tony Lopena at Maureen Larrazabal.

Marami na ding iba pang kilalang artista ang naging bahagi ng series gaya nina Carmina Villaroel, Jessa Zaragosa, Jak Roberto, Archie Alemania. Julie Anne San Jose, Gladys Reyes, Katya Santos, Kristofer Martin, Sef Cadayona, Kokoy de Santos, Mikee Quintos, Edgar Allan Guzman at marami pang ibang Kapuso artists simula pa noong 2010 hanggang ngayong 2026.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles