Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Janella Salvador, may payo sa mga bashers ng LGBTQIA+ community

Matapang na nagpahayag ang magandang aktres na Janella Salvador tungkol sa usapin ng mga bashers ng LGBTQIA+ community, partikular yung mga nagbibigay ng kanilang tinatawag na “misogynistic comments/opinions”.

Sa gitna ng promo ng pelikulang pinagbibidahan ni Janella kasama ang tatlo pang co-stars niyang sina Jasmine Curtis Smith, Leanne Mamonong, at ang kanyang real-life partner na si Klea Pineda, hindi naiwasan ni Janella ang magbigay payo sa mga bashers at sa partner niya.

“First of all, huwag kang magbasa,” sagot at payo ni Janella sa partner nitong si Kela tungkol sa naging tanong ni King of Talk Boy Abunda kung paano niya pinapayuhan ang partner laban sa mga mapanuring opinion laban sa kanila.

Hirit pa ni Janella, “pero aside from that, of course, really, nobody deserves to be on the receiving end of that. So ako, I really just as much as possible, gusto ko maging andiyan, makikinig lang ako kapag kailangan niya ako. Presence lang po.”

Simula ng magkaroon ng ugnayan ang dalawang aktres, sari-saring mga bashing na ang inabot nila kaugnay ng mga usaping “misogynistic, colorirst at lesphobic.” Lahat ay sumesentro sa mga personal nilang gawain at pananaw at practice.

Ang naturang mga termino na nangangahulugang may prejudice sa mga kababaihan, may pagtingin na lesser sex/gender ang mga babae, at nagpapahayag ng inferiority sa mga babae ay pawang ibinato kina Klea at Janella.

Sa pag-address ni Janella sa mga bashers, tinuran nitong wala naman silang magagawa kung hanggang sa mga panahong ito ay ayaw nilang unawain ang mga nararamdaman ng mga gaya nila. Pero patuloy umano niyang tututulan ang mga negatibong at sobrang mapanglait na mga opinyon tungkol sa hanay nila.

“If they can say those things to us, against us, then we also need to address and raise our voices to air ours too. Hindi naman puwedeng sila lang ang may puwedeng sabihin at basta na lang mag-ridicule sa amin,” matapang pang pahayag ni Janella.

Inamin naman ni Klea sa naturang interview ni Kuya Boy na sadyang umiiwas na siyang magbasa ng mga comments sa socmed kapag may mga posts sila ni Janella pero sobra daw niyang ina-admire ang tapang at tatag ng partner dahil lagi siyang tinutulungang harapin ang mga ito, without losing her values and self-worth.

“Kapag nakikita niya akong nagche-check ng social media comments. Parang Ah, nagbabasa ka na naman, mamaya wala ka na naman sa mood,” pagbabahagi ni Klea sa gesture ni Janella.

Sa kabilang dako ng interview, nagpahayag din ng kanyang pagpuna ang co-star nilang si Jasmine laban sa mga taong nagbabahagi ng ganoong mga komento at opinyon, at hinanap sa kanila ang basic decency.

Pahayag ni Jasmine, “minsan napapaisip ako, ‘Wow, nag-effort ka talagang i-type ‘yun at i-press ang send na gusto mong iparating ‘yung masama mong iniisip sa amin?’ Hindi ko ma-gets, e.”

Pinayuhan din ni Jasmine ang mga ‘bashers’ na makipag-usap sa psychologist upang maipaliwanag sa kanila kung ano ang disenteng pakikipag-usap sa kapwa. Aniya, sana ay lawakan pa ng mga tao ang kanilang pag-iisip pagdating sa mga ganoong bagay.

Magkakasama sa pelikulang “OPEN ENDINGS” ang apat na aktres na nagsimula ng ipalabas sa mga sinehan ngayong June 10. 

Tungkol ang award-winning movie sa naging struggle ng apat na mga kababaihan na may usapin sa pagiging “queer” at sa mga usaping relationships, family, friendship, respect, love at pagkakaroon ng lugar sa lipunan.

Nauna na itong naipalabas sa 2025 Cinemalaya kung saan nanalo ng Best Ensemble Acting ang mga bidang sina Jasmine Curtis Smith, Leanne Mamonong, Klea Pineda at Janella Salvador. Ito rin ang nagtala ng highest grossing entry sa naturang festival.

Naging lahok don ito ng bansa  sa Asian Next Wave section of the QCinema International Film Festival at sa Wicked Queer Film Festival sa Boston, USA at nakapag-premiere na din ito sa Queer East sa UK, London.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles