Kahit nagkaroon ng mixed reactions ang mga beauty pageant enthusiasts at supporters, matagumpay pa ding naidaos ang pormal na koronasyon ng walong hinirang na mga bagong reyna under the Miss Universe-Philippines franchise.
Matapoos nga ang naging koronasyon ni Bela Millan Windorski bilang Miss Universe-Philippines last May 2, ay kinoronahan naman ang walo pang “queens” na magri-represent din ng bansa sa kani-kanilang mga respective international pageants.
Sa pormal na okasyon nitong May 10 na ginanap sa Grand Ballroom of City of Dreams Manila, binigyan ng kani-kanilang korona ang mga sumusunod:

Miss Eco Teen Philippines 2026 – Trexy Paris Roxas
Miss Teen Universe Philippines 2026 – Catherine Wardle
Miss Charm Philippines 2026 – Apriel Smith
Miss Cosmo Philippines 2026 – Bella Ysmael
Miss Eco International Philippines 2027 – Jenrose Javier
Miss Tourism World Philippines 2026 – Marian Arellano
Miss Supranational Philippines 2027 – Allyson Hetland
Miss Philippines Worldwide 2026 – Nicole Borromeo
Lahat sila ay magiging pambato ng Pilipinas sa mga susunod na panahon at isang matinding paghahanda ang ibibigay sa kanila ng naturang organisasyon mula sa public speaking, pasarela, swimsuit at gown preparations, mga sponsors’ visit at iba pang kaugnay na advocacies.


