Salamat kina Chris Banchero at Chris Newsome — at sa isang pagkakamali ng Blackwater sa mga huling segundo — nakalusot ang Bolts, 116-114, sa PBA Season 50 Governors’ Cup sa Ynares Center sa Antipolo nitong Martes.
Mistulang kontrolado na ng Meralco ang laro matapos pumasok sa fourth quarter na may 98-91 kalamangan. Lumobo pa ito sa 110-92 may 7:35 pang natitira sa laban.
Ngunit nagpasiklab ang ang Blackwater at tumabla, 114-all. Nagkaroon pa ito ng pagkakataong maagaw ang kalamangan sa huling 35 segundo.
Gayunman, kapwa sumablay sina Sedrick Barefield at Kentrell Barkley, at nasungkit ni Banchero ang rebound na humantong sa layup ni Newsome para sa 116-114 kalamangan ng Meralco, may 3.9 segundo na lamang ang natitira.
Naglaho ang pag-asa ng Blackwater na tumabla man lang nang madulas ang bola sa paa ni RK Ilagan bago tumunog ang huling buzzer.
“You have to give Blackwater credit,” ani Meralco coach Luigi Trillo matapos ang kanilang ikalawang sunod na panalo na pumantay sa 2-1 kartada ng sa Group B.
“I think we were up in the third quarter by 17 points. They have no quit and that’s a testament to what coach Pat’s (Aquino) been doing there. They’re playing really good. Good na lang that we were able to shoot that last shot on that pass to New.”
Sa kabila ng isang puntos lamang na naitala sa second half, nanguna pa rin si Antonio Hester sa Meralco na may 25 puntos at 12 rebounds.
Nagdagdag sina Newsome at Banchero ng tig-16 puntos.
Pinangunahan ni Barefield ang Blackwater sa kanyang 29 puntos, habang nagtala naman si Barkley ng double-double na 28 puntos at 10 rebounds.
Nag-ambag din si Ilagan ng 20 puntos at si Dalph Panopio ng 11 upang tulungan sina Barefield at Barkley na pamunuan ang paghabol ng Blackwater.
The scores:
First Game
MERALCO 116 – Hester 25, Banchero 16, Newsome 16, Cansino 15, Hodge 14, Maliksi 8, Quinto 7, Black 6, Brickman 5, Mocon 2, Bates 2.
BLACKWATER 114 – Barefield 29, Barkley 28, Ilagan 20, Panopio 11, Austria 9, Tratter 7, Demusis 4, Una 2, Murrell 2, Escoto 2, Mendoza 0, Dumont-Cruz 0.
Quarters: 26-29; 61-57; 98-81; 116-114


