Dinurog ng Meralco ang all-Filipino Terrafirma, 111-69, sa PBA Commissioner’s Cup nitong Biyernes sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.
Makukuha ng Bolts ang No. 2 position kung tatalunin ng Magnolia Hotshots sa Linggo, kahit pa tumabla sa 9-3 sa Barangay Ginebra Kings o Rain Or Shine Elasto Painters.
Sa kasalukuyan, 9-3 na ang ROS matapos talunin ang Titan Ultra, 142-131, sa second game.
Tabla naman sa 8-3 ang Meralco at Ginebra.
Na-ospital Biyernes ng umaga ang Dyip import na si Mubashar Ali dahil sa epekto ng food poisoning.
Inilabas na ng Meralco ang import na si Marvin Jones nang umabante na ang Bolts, 51-20.
Lalaglag ang Meralco sa No. 4 kung matalo sa Magnolia at parehong manalo ang Ginebra at ROS. Gayunpaman, may twice-to-beat bonus sa quarterfinals ang top four.
Nang huling pumasok sa semifinals ang Meralco, tagumpay nilang nakuha ang 2023-24 Philippine Cup.
“It’s been three years since we’ve had the chance to get a twice-to-beat. I think it was on our second or third game when, you know, that was one of the goals. We did enough early to get some wins,” ani Meralco coach Luigi Trillo.
“We put ourselves in a situation to do that. Obviously, a little bit of luck, like their import didn’t play today. But happy for the guys.”
Tinapos ng Terrafirma ang Commissioner’s Cup na may 4-8 kartada, kumpara sa isang panalo lamang noong Philippine Cup.
Ang Titan Ultra ay magtatapos na kulelat sa 2-10, na maaaring maging kapalaran din ng Blackwater kung matalo sa Converge ngayong Sabado.


