Umabante sa third round ng Italian Open si Alexandra Eala matapos talunin si Wang Xinyu ng China, 6-4, 6-3, sa Rome, Italy Biyernes ng hapon (PH time).
Tagilid ang 20-anyos na si Eala sa umpisa ng laban nang lumamang si Wang, 3-0.
Ngunit nanalo ng apat na sunod na game ang Pilipina at matapos tumabla sa 4-4 ang Chinese, hindi na ulit ito nakaporma kay Eala.
Sa second set, tuloy-tuloy muli ang atake ni Eala mula sa 3-3 para mapatalsik ang world No. 31.
Sa pagpasok sa third round, sigurado na mag-uuwi si Eala ng USD63,283 o katumbas ng humigit kumulang PHP3.8 million.
Tataas pa ang prize money at ang kasalukuyang world ranking na 42 kung uusad pa si Eala sa torneo.
Na-ipaghiganti na ni Eala ang pagkatalo niya kay Wang noong Enero sa ASB Classic sa New Zealand, 7-5, 5-7, 4-6.
Malaki ang hamon kay Eala sa third round laban kay world No. 2 Elena Rybakina ng Kazakhstan, na may dalawang Grand Slam na.
Nanalo si Rybakina kontra Maria Sakkari ng Greece, 6-4, 6-1.
Nakatakda ang laban Linggo ng hapon (PH time).
Tinalo ni Eala sa first round si Magdalena Frech ng Poland, 6-0, 3-6, 6-4.


