Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Matty Juniosa, nagtapos bilang 4th placer sa Britain’s Got Talent

Hindi naman binigo ni Matty Juniosa ang kanyang mga followers dahil kahit hindi nito nakuha ang grand prize sa season 19 na Britain’s Got Talent, marami ang kumbinsidong pang-champion ang ipinamalas na performance ng pinoy pride/singer.

Tinanghal ngang fourth placer si Matty mula sa sampung iba pang mga grand finalists na nagpamalas din ng iba’t-ibang talento at skills nila sa pag-awit, pagsayaw, at ibang special talent.

Matatandaang nagtala ng record si Matty sa naturang sikat na talent search dahil sa dalawang beses na ‘golden buzzer’ na ibinigay sa kanya ng mga hurado.

Matty Juniosa at mga grandfinalists sa Britain’s Got Talent, mula sa FB at IG

Ang unang golden buzzer na ibinigay ni judge Simon Cowell ay awtomatikong naglagay sa kanya sa semifinals ng show, habang ang ikalawang golden buzzer ticket niya ay ibingay ni judge Amanda Holden para dumiretso na siya sa grand finals.

Dahil sa ingay na nilikha ni Matty ay nakilala siya ng mga audience all over the globe at inasahan ngang posibleng muling makasungkit ng grand winner title gaya ng iba pang mga pinoy talents na sumabak din sa mga kaparehong search.

Nagbukas din ng maraming oportunidad para kay Matty ang naging exposure niya sa show dahil nagkaroon siya ng mga casting job sa ilang major stage plays sa London and hopefully sa ibang kilalang stage sa ibang panig ng mundo.

Para sa kanyang final performance, binigyan ni Matty ng bagong timpla ang kantang “Nothing Compares 2 U” ni Sinead O’Connor na muling umani ng parehong reception mula sa mga judges at audience, gaya ng mga ginawa niya sa naunang golden buzzer performances niya.

Ang itinanghal na kampeon at nakakuha ng pinakamalaking boto mula sa viewers ay ang Hawkstone Farmers Choir.

Nanalo sila ng £250,000 at spot sa Royal Variety Performance ngayong taon.

Second place ang drone art collective Celestial, at third place ang dance duo na sina Anastasiia and Salsa.

Ang iba pang finalists, ayon sa kanilang ranking: Matty Juniosa, Rafferty Coope, Sonny Green, Ted Hill, Sadeck Berrabah and LMA, Fabian Fox, at Liwei Yang.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles