Nagtapos sa top 5 ang pakikipag bardagulan ni Philippine representative Gazini Ganados sa kauna-unahang MGI All Stars 2026 na ginanap sa Thailand nitong May 30.
Si Ganados ang isa sa limang mga pinay beauty queens na lumaban para sa bansa na nilahukan din nina Fuschia Anne Ravenal, Alexia Nunez, Imelda Schweighart at Keyleyn Trajano.
Maagang nag-bow out sa beauty competition sina Nunez, Schweighart at Trajano, habang umabot sa top 18 si Ravenal at si Ganados na umabot nga sa top 5.
Pagkatapos ng mga bardagulan ng 56 contestants mula sa iba’t-ibang bansa sa mga event mula sa swimsuit, gown, pasarela at Q&A, si Colombia representative Vanessa Pulgarin ang tinanghal na first ever winner ng MGI All Stars pageant.
Si Faith Maria Porter ng bansang Ghana naman ang naging first runner-up, habang si Nguyễn Huong Giang ng Vietnam ang naging second runner-up
Nakuha ni Vanessa ang korona matapos niyang sagutin ang kanyang final question na kinagiliwan ng mga hurado at fan votes.
“What qualities do you possess that make you a star and allow you to shine clearly above the rest?”, ang tanong kay Vanessa.
Tugon nito, “I (was) born for this. This is my biggest dream. Doesn’t matter what door is closing. You need to trust in yourself. Doesn’t matter if a person says, ‘No, you can’t do it.’ You can because we are power. We are disciplined. And I’m here because I want to win MGI All Stars because I’m born for the stage. I’m born for the connection with the people. I’m here because I work hard for my dreams. Kap khun ka.”
Nabigo namang makakuha ng sapat na fan votes si Gazini Ganados kahit pa sila nina Faith Maria Porter at Mariana Beckova ng Czech Republic ang mga “judges picks for the top three.”
Nakumbinsi nila ang mga hurado sa mga naging tugon nila sa Q&A portion para sa top 5 contenders.
Subalit nang dahil nga sa audience o fan votes ay nagbago ang naging line-up ng top three, kaya’t hindi na pumasok pa sina Ganados at hindi na nagkaroon na sagutin ang final question na mag-determine sa grand winner.
Masaya namang tinaggap ni Gazini ang inabot niya sa kumpetisyon lalo’t naipakita niyang hindi lang kayang makipagsabayan ng ganda at postura ang mga pinya beauty queens kundi magaling din itong magpahayag ng opinyon sa mga nangyayaring isyu sa buong mundo.
Isang Sparkle Artist ng GMA 7 si Gazini na sa kanyang pagbabalik bansa ay inaasahang magkakaroon na ng maraming shows sa Kapuso network, kasama na ang pagiging isang mahusay nitong host at aktres.


