Mas lalalim ang mga sikreto, mas titindi ang laban sa pag-ibig, at mas tataas ang stakes para sa kanilang kaligayahan sa bagong chapter ng A Secret in Prague, starring Enrique Gil bilang Mikoy at Andrea Brillantes bilang Chiara.
Joining them is Dylan Menor bilang Rahmboy Corales, isang vlogger na makikilala at magiging kaibigan nina Mikoy at Chiara sa Albay. Charming at easygoing si Rahmboy—but may sikreto rin kaya siyang itinatago?
Kasabay ng pagpasok niya, haharap sina Mikoy at Chiara sa mas mabibigat na pagsubok. New secrets. New twists. Bigger choices. At habang mas lumalalim ang kanilang pagmamahalan, mas marami ring hahadlang sa happy ending na ipinaglalaban nila.
Mas matindi ang pag-ibig. Mas mahirap ang laban. Mas mataas ang stakes.
Abangan sina Enrique Gil, Andrea Brillantes, at Dylan Menor sa
bagong chapter ng A Secret in Prague, Mondays to Fridays, 9:30 PM sa TV5.


