Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Bella Padilla, “I won’t talk about it” tungkol kina Angelica at Kim; happy sa bagong jowa

“I won’t talk about it, muna. Thank you,” ang tila makahulugang tugon ni Bela Padilla sa tanong kung ano na nga ba ang status ng ‘friendship nila nina Kim Chiu at Angelica Panganiban.

Matatandaang nitong nagdaang buwan ng July ng pumutok ang isyu na nagkaroon ng hidwaan ang magkakaibigan na nakilala ng mga taga-showbiz at mga personal friends nila bilang ÄngBeKi.

AngBeKi stands for Angelica, Bela at Kim, na naging very close simula pa noong 2017 dahil sa pagiging prangka, straightforward at kikay ng tatlo.

Subalit nitong July 2026, nagulat na lang ang marami nang sa isang socmed post ni Angelica kung saan pinasasalamatan nito ang mga taong naging makabuluhan at mahalaga sa kanya ay bukod tanging si Kim lang ang binanggit nito.

friendship over na nga ba ang AngBeKi?, kuha sa FB

Nasundan pa ito ng tsikang nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan sina Bela at Kim, dahil matapos daw kasing ipakilala ni Kim kay Bela ang napapabalitang boyfriend nito ngayong si Martin Tan, ay nag-iba na ito ng pakikitungo sa kaibigan?

Sa ginanap na mediacon para sa latest film ni Bela na ‘Life After You,’ naitanong nga sa aktres ang estado ng AngBeKi at sa naging tugon nito ay mahihinuhang may isyu sa kanila.

“I won’t talk about it muna,” pakiusap nito sa mga kasamahan sa entertainment media nang finally ay itanong ang isyu sa kanya.

Hindi na nag-elaborate, maliban na lang sa pagsabi ng aktres na nakilala siya ng showbiz bilang outspoken, honest at may respeto sa mga kaibigan at katrabaho.

Speaking of her rumored boyfriend na si Martin Tan, na naibalita na ng BISTADO bilang isang mahusay na negosyante, viral ngayon ang mga larawan nila ni Bela.

Sa socmed na “X” nagsimula ang mga fotos na makikitang very sweet nitong inaalalayan si Bela, kasama sa isang event, at mayroon pang photo na bitibit nito ang bag ng aktres.

Sey ng mga netizen na nakakuha ng litrato at nag-upload sa socmed, “what you is what you get na nga sa kanila. Halata namang happy si Bela sa bago niyang lovelife.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles