Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Maris Racal, namigay ng bigas sa mga jeepney driver

Hati ang reaction ng netizen sa ginawang pamimigay ng ilang kilo ng bigas ng magandang aktres na si Maris Racal kamakailan.

Sa pagdiriwang ng ika-12 anibersaryo sa showbiz ni Maris ay naisipan nga nitong mag-share ng kaunting handog sa mga pinaniniwalaan niyang sektor na madalas ay na-overlook.

Ayon sa nakapanayam ng BISTADO na parte ng PR group ng mahusay na aktres, ang mga driver nga daw ang naisipan nitong bigyan ng bigas dahil sa nangyayaring usapin sa sobrang taas ng gas.

“Actually, talagang pinili namin ang mga driver ng mga jeepney dahil madalas din silang hindi pansinin ng gobyerno. Ramdam ni Maris ang hirap nila kaya’t kahit karampot lang na token gaya ng bigas ay taus-pusong ibibigay ni Maris,” saad ng Bistado source.

“Napili namin ang UP Diliman campus at mga umiikot na jeepney dito dahil madalas ngang tumatakbo sa loob ng UP si Maris para sa kanyang physical exercise kasama ang iba pang mga kaibigan niya. Madalas din daw ay sumasakay si Maris ng jeep kapag nais nitong umikot sa pamosong school,” dagdag pa ng parehong source.

“12 years na ako sa industriya, happy anniversary to us mariestellers. love you all so much!,” ang bahagi  naman ng socmed post ni Maris.

Samantala, marami din naman ang hindi nagustuhan ang tila sobra daw na pa-PR ni Maris sa socmed. Na kesyo tila ipinagmamayabang pa nito ang simpleng gesture unlike other celebs daw na mas pinipiling tumulong kahit walang socmed post o walang PR group na gustong “ipangalandakan” ang naturang gawain.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles