Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Jericho Rosales, ‘clueless’ sa Bea-Vincent wedding blues issue?

Viral ang naging pagtatagpo nina Jericho Rosales at Vincent Co, kamakailan sa grand event ng Puregold, isa sa mga kumpanya ng pamilya ni Vincent.

Naging special guest kasi ang award-winning actor sa naturang event kung saan may mga ka-tie up na produkto na mabibili sa mga outlet ng naturang retail store. 

Ang ilan nga sa mga ito ay ini-endorso ni Echo kaya’t yung presence niya sa naturang event ay talagang ni-look forward ng mga mamimili, small business owners, at ng pamilya ni Vincent.

At dahil si Vincent nga ang natokang mag-asikaso at mamahala sa pagdalaw ng aktor, marami talagang mga Marites o mga mahihilig sa tsismis sa kung paano silang magturingan kapag nagharap.

Magkaibigan sina Echo at ang aktres na Bea Alonzo dahil kapwa sila mga “alaga o dalawa” sa ipinagmamalaking mga anak-anakan ni direk Johnny Manahan o Mr. M. 

Madalas din silang nagkakasama sa mga pa-event ng ABS-CBN at mga personal na okasyon ni Mr. M. kasama ang iba nilang mga kapamilya kay Mr. M, gaya nina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Maja Salvador at iba pa.

Kaya naman ang naging pagtatagpo nila ay natutukan o sadyang inabangan ng marami dahil nga sa mga napaunang balita na ‘kanselado’ na ang kasal nina Bea at Vincent.

Sa mga nag-viral na photos at video ay makikitang nagkamayan at nagkaroon ng “small hi-hello” ang dalawa.

May mga sumubok na i-lip read ang nasabing palitan nila ng pleasantries sa pag-asang may masisilayan man lang silang salita referring to Bea.

Subalit ang sandali at maikling encounter ng dalawa ay tila walang anumang kaugnayan kay Bea o sa ipinapakalat ng ilan na diumanoy naitanong ng aktor kay Vincent.

“O baka sadyang wala talagang clue o anumang hint si Echo na wala ng usapin sa kasal? Imposible kasing hindi man lang niya binati o kinong-gratulate si Vincent lalo’t kapatid niya sa turing si Bea,” pag-analisa ng mga Marites sa socmed.

“Or baka naman umiiwas lang talaga si Echo at ayaw panghimasukan ang ganung usapin,” hirit naman ng iba.

Anu’t anuman ang dahilan kung bakit tila hindi man lang ito nabanaag o naramdaman ng mga observer na “pinakialaman o inalam” ni Echo, na kay Echo na daw yun.

Ang kaswal na conversation at handshake ay naganap nga sa Puregold Sari-Sari Store Convention na ginanap sa World Trade Center noong May 14, 2026, ang napabalitang araw ng kasal dapat nina Bea at Vincent sa Spain.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles