Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

MAP suportado ang Pax Silica pero humirit ng proteksiyon sa pambansang interes

Nagpahayag ng suporta ang Management Association of the Philippines (MAP) sa panukalang Pax Silica Initiative, na itinuring nitong isa sa pinakamalaking oportunidad sa ekonomiya ng bansa sa nakalipas na ilang dekada.

Gayunman, iginiit ng grupo na dapat makipagnegosasyon ang gobyerno mula sa matatag na posisyon at maglagay ng mahihigpit na safeguard upang maprotektahan ang pambansang interes.

Sa pahayag nitong Huwebes, itinulak ng MAP ang “Proceed, but Protected” approach sa technology-focused initiative.

Maaaring pabilisin ng Pax Silica ang industrialization, humatak ng malalaking investment, lumikha ng high-value jobs at palakasin ang papel ng Pilipinas sa pandaigdigang technology supply chains.

Inaasahang magsisilbi itong hub para sa semiconductors, artificial intelligence, advanced manufacturing at critical-mineral value chains habang nagsisikap ang mga bansa na magkaroon ng mas matatag na supply chain at mabawasan ang pagdepende sa nakasanayang manufacturing centers.

Ayon sa MAP, mas nakasalalay ang tagumpay ng proyekto sa paraan ng pagbalangkas ng mga kasunduan kaysa sa simpleng desisyong ituloy ito.

Dapat umanong tiyakin ng governance framework na mapapakinabangan ito nang husto ng mga Pilipino habang pinangangasiwaan ang economic, environmental, social at geopolitical risks.

Nagmungkahi ang MAP ng anim na guardrail: domestic industrialization at value addition; nasusukat na technology transfer; mas malaking partisipasyon ng mga manggagawa at lider na Pilipino; mahigpit na environmental protection; inclusive community development; at ganap na pagsunod sa mga batas ng Pilipinas.

Hiniling din ng grupo ang pagbuo ng independent oversight body na bubuuin ng mga kinatawan mula sa gobyerno, negosyo, academe, labor, civil society at mga technical expert.

Babantayan ng nasabing katawan ang investment commitments, paglikha ng trabaho, technology transfer, environmental compliance at epekto ng proyekto sa mga komunidad.

“MAP supports the pursuit of the Pax Silica Initiative because it presents a potentially transformative opportunity to accelerate industrial development, create quality jobs, develop Filipino talent, and strengthen the nation’s position in the global economy,” ayon sa grupo. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles