Lalo pang pinapalawak ng Pepsi-Cola Products Philippines, Inc. (PCPPI) ang presensya nito sa lumalaking sparkling tea market matapos nitong dagdagan ang Lipton Soda lineup nito sa Pilipinas.
Kasunod ng paglulunsad ng Lipton Soda Lemon noong nakaraang taon, idinagdag ng kumpanya ang Lipton Soda Berry Burst bilang bagong flavor para tugunan ang nagbabagong panlasa ng consumers.
“As tastes evolve, we aim to provide choices that feel both new and familiar,” ani PCPPI Chief Strategy Officer Joongmin Kim.
“This expanded lineup takes a beloved tea brand and gives Filipinos a fresh way to enjoy it,” dagdag niya.
Pinagsasama ng Lipton Soda ang lasa ng Lipton iced tea at carbonation ng soda.
Kabilang sa lineup ang sugar-free Lipton Soda Lemon at Lipton Soda Berry Burst, pati ang classic sweetened Lemon variant.
Ayon sa PCPPI, nakakuha rin ng malakas na online traction ang produkto at umabot sa number one spot sa fizzy drink category ng TikTok Shop sa Pilipinas. Lumalawak din umano ang presensya nito sa iba pang e-commerce channels.
Available nationwide ang Lipton Soda sa 290mL at 1.5L bottles sa supermarkets, convenience stores at iba pang retail outlets.
Bahagi ang expansion ng pagpapalawak ng beverage portfolio ng PCPPI habang sinasamantala nito ang tumataas na demand para sa sparkling tea at ang established brand ng Lipton. /Bistado


