Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Libu-libo sumama sa White Ribbon March sa EDSA

Libu-libong Pilipino ang sumama sa White Ribbon March sa EDSA ngayong Linggo, June 28, habang nanawagan ang religious groups at civil society organizations ng truth, accountability, at justice.

Tinataya ng Quezon City Police District na nasa 3,600 na ang crowd dakong 3:30 p.m., habang patuloy pang dumarating ang mga tao sa People Power Monument.

Nagmartsa ang participants mula EDSA Shrine patungong People Power Monument sa Quezon City, ginawang simbolo ng pagkakaisa ang kahabaan ng EDSA laban sa corruption at poor governance.

Sa kabila ng init, nagpatuloy ang marchers dala ang panawagang kailangan ang sama-samang pagkilos para sa tapat na pamumuno.

Nauna rito ang Holy Mass sa EDSA Shrine na dinaluhan ng church leaders, advocates, at supporters.

Kabilang sa mga dumalo sina Makabayan President Liza Maza, former lawmakers Teddy Casiño at France Castro, at Kontra Daya convenor Danilo Arao.

Ayon sa organizers, bahagi ang march ng mas malawak na kilusang humihimok sa mga Pilipino na magsalita, maningil, at manawagan ng reporma.

Lumahok ang iba’t ibang religious denominations kasama ang mga Katoliko, Protestants, Muslims, at Born Again Christians sa pagkilos, na nagpakita ng lumalakas na interfaith call for change. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles