“Yes I did unfollow, but I did it for my own sake. It’s not meant to be punitive to either of them, at all, ” bahagi ng paliwanag-post ni international broadway star Lea Salonga.
Tungkol nga iyan sa pinag-uusapang pag-unfollow niya sa socmed nina BTS members RM at J-Hope matapos ang concert ni Chris Brown kamakailan lang sa Canada.
Kilalang big fan si Salonga ng BTS, subalit inamin niya sa “Ask Miss Lea” session on Threads (sa X) noong Aug. 25, nang may magtanong sa kanya kung paanong naapektuhan ang kanyang paghanga sa grupo dahil sa ginawa nina RM at J-Hope sa naturang concert ni Brown kasama si Usher.

Kilalang may mga domestic violence issues at legal controversies si Brown kaya’t parang hindi daw na-appreciate ng maraming BTS armies na nakikipagkaibigan ang mga ito sa mga ganung klase ng co-artists o tao.
Paliwanag ni Salonga, “First off, my being a fan can be equated to a single grain of sand on a massive beach. Whatever my actions are won’t affect anyone, except maybe cause consternation in the minds of other fans, which I do expect and accept responsibility for.”
Ipinaliwanag pa ni Salonga na nag-decide siyang dumistansya sa mga BTS members dahil apektado na ang kanyang emotional being, bilang isang tagahanga din.
Dagdag ni Lea, “But I recognized that I was waking up sad and/or upset, or find myself way too affected. This was unhealthy so I took a step back, for me.”
Subalit ayon pa rin dito, ina-acknowledge naman niyang mga ‘autonomous individuals’ sina RM at J-Hope kaya’t keri ng mga itong gumawa ng mga desisyon nila kung sino ang i-idolize o kakaibiganin.
Talaga lang daw sa pananaw ng international broadway star ay may mga bagay na hindi sumasakto sa kanyang prinsipyo at pagpapanatili ng imahe para sa mas maraming kapwa fan o supporter.
“As many fans have rightly pointed out, we are owed nothing really. They are autonomous human beings, but so am I, and whatever decisions I make are mine alone. If I hurt anyone in the aftermath, that isn’t my intention but I’m sorry if I hurt you nonetheless,” saad pa nito.
Mananatili naman daw ang pag-appreciate niya sa husay ng BTS at ang pagmamahal niya sa mga nagawa ng music nila sa kanya at sa buong mundo ay mananatili daw na magiging part ng personal niyang buhay.
Pagtatapos niya, “I am still so grateful for the typhoon they created in my life when they arrived in 2020. I was navigating my marriage ending, raising a teenager, and a global pandemic (not to mention the occasional death threat due to politics). They saved my sanity when I needed saving. I’ll never forget that.”
Samantala, marami ding netizen ang nagtataka kung bakit dedma si Lea sa tanong kung tila hindi na rin niya pina-follow ang kaibigan at dating leading man na si Aga Muhlach sa socmed?
Maraming naghahanap ng sagot mula kay Lea subalit wala itong ibinibigay na paliwanag o sagot.
Matatandaang si Aga ang sinasabing pinaka-paboritong leading man ni Lea sa kanyang showbiz activities, mapa-TV at movies, at minsan din silang naging “ïtem” noong kasikatan nila.
In fact, may mga plano pa nga nitong mga nakaraang taon na muli silang magsasama dahil marami silang mga supporter at fan na umaasa for their movie teaming up.
Wala namang balita kung naka-unfollow din si Aga kay Lea.


