Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

LandBank hari sa dibidendo ng GOCCs sa ikatlong sunod na taon

Nanguna ang Land Bank of the Philippines (LandBank) at mga subsidiary nito sa dividend contributions ng government-owned or controlled corporations (GOCCs) matapos magdeklara ng kabuuang ₱32.57 bilyon para sa national government.

Ikatlong sunod na taon na itong kinilala bilang pinakamalaking nagbibigay ng dividend sa hanay ng mga GOCC.

Binigyang-pugay ang bangko sa 2026 GOCC Day na ginanap noong July 8 sa Malacañan Palace. Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Finance Secretary at LandBank Chairman Frederick Go ang aktibidad.

Kinilala ng Department of Finance (DOF) ang mga GOCC na sama-samang nag-ambag ng rekord na ₱147.15 bilyon na dibidendo ngayong 2026.

Mas mataas ito ng 29 porsiyento kumpara sa naitalang kontribusyon noong nakaraang taon.

Sa kabuuang ₱32.57 bilyong kontribusyon ng LandBank Group, ₱32.35 bilyon ang idineklara ng bangko mula sa kinita nito noong 2025.

Kasunod ito ng rekord na ₱33.53 bilyong ini-remit ng LandBank noong 2025 at ₱32.12 bilyon noong 2024.

Dahil dito, napanatili ng LandBank ang posisyon bilang nangungunang dividend-contributing GOCC sa national government sa loob ng tatlong magkakasunod na taon.

Tinanggap ni LandBank President at Chief Executive Officer (CEO) Lynette Ortiz ang pagkilala para sa bangko.

“LandBank’s consistent dividend contributions demonstrate how financial strength can be translated into public value. As the largest government bank, we remain committed to supporting national development through meaningful contributions that help fund programs benefiting millions of Filipinos,” ani Ortiz.

Nakatulong din sa kabuuang kontribusyon ang tatlong subsidiary ng LandBank.

Kabilang dito ang LandBank Insurance Brokerage, Inc. na kinatawan ni Chairman Tomas de Leon Jr.

Kasama rin ang LandBank Leasing and Finance Corporation na kinatawan ni Board Member Nanziancino Dilay at LandBank Resources and Development Corporation na kinatawan ni President at CEO Ricardo Juliano.

Bukod sa dividend contribution, kinilala rin ang LandBank dahil sa paglahok nito sa GOCCs’ Service Caravan sa Cagayan de Oro City noong Hunyo 29 at 30.

Inilapit ng caravan ang mahahalagang serbisyo ng pamahalaan sa mga lokal na komunidad.

Isinasagawa ang dividend remittances alinsunod sa Republic Act No. 7656 o Dividend Law.

Inaatasan ng batas ang mga GOCC na mag-remit sa national government ng hindi bababa sa 50 porsiyento ng kanilang taunang net earnings.

Ayon sa LandBank, ipinakikita ng mga kontribusyon kung paano naisasalin ang national assets sa mga programang pangkaunlaran.

Bahagi rin ito ng mas malawak na commitment ng bangko sa pagpopondo sa mahahalagang imprastraktura, healthcare at inclusive growth sa iba’t ibang development sector sa buong bansa. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles