Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Lanao del Norte balak maging sports tourism hub

Ang Tubod sa Lanao del Norte ay minsang nakilala dahil sa kaguluhan. Ngunit ngayon, ito ay humuhubog ng bagong imahe bilang sentro ng kompetisyon, pagkaka-isa at tagapagdala ng kapangyarihan ng sports.

Naghahanda ang Lanao del Norte na maging puno nga-abala ng 1stMindanao Youth Games sa Marso 17–21, 2027, katuwang ang Philippine Sports Commission (PSC).

Sa sentro ng adhikaing ito ay ang Mindanao Civic Center Sports Complex, isang malawak na 66-ektaryang pasilidad sa Tubod.

Taglay nito ang isang FIFA-certified football pitch, isang World Athletics-standard track and field oval, Olympic-size swimming pool, 5,000-seater gymnasium, at mga pasilidad para sa archery, tennis, combat sports at weightlifting.

Sa lalong madaling panahon, itatayo rin ang isang baseball/softball diamond sa tulong ng PSC at ng Philippine Amateur Baseball Association.

“I think you have the best sports facilities in the country. Maybe you don’t realize it, but it is really world-class,’’ pahayag ni PSC Chair Patrick Gregorio sa mga opisyal sa Mindanao.

Hindi na bago sa kasaysayan ang Mindanao Civic Center Sports Complex. Noong 2003, idinaos doon ang Palarong Pambansa, na nagpatibay sa reputasyon nito bilang isang lugar na kayang magdaos ng mga pambansang kompetisyon. 

Ngayon, sa mas pinahusay na mga pasilidad, handa na itong tumanggap ng mas malalaking torneo, kabilang ang Batang Pinoy sa 2028 at posibleng isa pang Palarong Pambansa.

“People will realize that we don’t only host events in Manila. We go outside of Metro Manila, we go to the Visayas, we go to Mindanao. The focus also is to develop regional training centers. When you upgrade facilities in the provinces, it’s an opportunity to host as well,” ani Gregorio.

Pagtitipunin ng Mindanao Youth Games ang pinakamahusay na mga batang atleta, edad 18 pababa, mula sa anim na rehiyon ng Mindanao upang maglaban sa hindi bababa sa 12 sports disciplines.

“This hosting is a dream that will become a reality for our province,” ani Lanao Del Norte 1st District Rep. Imelda Dimaporo. 

“I hope our countrymen will consider and put our province in their bucket list. This is the land of beauty and bounty where you will find peace, and where the people are warm and hospitable.”

Inaasahang magsisilbi ang Palaro hindi lamang bilang entablado ng husay ng mga atleta kundi bilang daan din sa paglago ng ekonomiya, sports tourism, at pag-unlad ng kabataan. 

Para sa Lanao del Norte, ito ang simula ng malaking pangarap na maging sentro ng sports tourism sa Mindanao.

Samantala, pinagsama-sama ng Lanao del Norte Sports and Youth Summit na ginanap noong Hulyo 28 at 29 ang mga eksperto sa coaching, psychology, marketing, at media promotion — patunay na hindi lamang mga pasilidad ang itinatayo ng lalawigan kundi pati na rin ang kaalaman at mga pinakamahusay na pamamaraan sa larangan ng sports.

Pinangunahan ang delegasyon ng PSC nina Gregorio, Commissioner Matthew Gaston, chief of staff Loujaye Sonido at sports psychology consultant Prof. Karen Trinidad.

Kasama rin sina National Academy of Sports executive director Francis Carlos Diaz at Pilipinas Sepak Takraw Association president Karen Caballero.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles