Naghari ang De La Salle University sa kauna-unahang UAAP golf tournament na nagtapos sa Tagaytay Midlands sa Talisay, Batangas nitong Hwebes.
Inuwi ng La Salle ang apat na titulo ng Season 88: men’s at women’s individual at team division.
Pinangunahan ni men’s individual champion Perry Bucay ang Green Archers sa pamamagitan ng 74 sa final round at kabuuang five-over 293.


Tinalo ni Bucay ng pitong strokes (78-300) si Joshua Buenaventura ng University of the Philippines (UP) samantalang bronze medalist si Zach Castro (81-304) na taga-La Salle rin.
“It feels ecstatic. We’re all very happy to win the first-ever UAAP golf title,” ani Bucay.
“Hopefully, we can sustain this success. UAAP is different because it’s the highest collegiate sports organization, so the recognition and support are on another level.”
Tinuluyan din ni Julia Lua ang women’s individual event matapos ang mahigpit na laban sa teammate na si Alexa Dacanay.
Nagtapos si Lua ng 80 para sa kabuuang 330 o apat na strokes kalamangan kay Dacanay (83).
Napunta ang bronze kay Monique Mendoza ng Ateneo (88-343).
Kabilang ang 105 ni Janine Yusay sa final round, nabuo ng La Salle ang 1,056 upang talunin ng 21 shots ang Ateneo (274-1,077).
Umiskor sina Mendoza (88), Simi Tinio (92) at Andie Joson (94) sa final round.
Pumangatlo ang UP 1,138 matapos ang 283 sa final round mula kina Ava Heredia ant Annika Gozum (91) at Katrisse Datoc (101).
Pang-apat ang University of Santo Tomas (UST, 320-1,289) at pang-lima ang Adamson (365-1478).
Sa men’s team division, nagdagdag sa final-round 225 sina Jacob Cajita (75) at Martin Lu (76) para sa kabuuang 898 ng La Salle, malayo sa 928 ng UP.
Nakuntento na lamang sa bronze medal ang Ateneo (234-938).
Pang-apat muli ang UST (262-1005) at pang-lima ang Adamson (367-1477).


