Maraming netizen ang nagtatanong at nag-iisip kung ang mga lumabas na clips o teaser o reels ng photo shoot na ginawa ni Kris Aquino ay hudyat na ba ng pagbabalik showbiz niya?
Sa post din ng kanyang pamosong make up artist at author na si RB Chanco, tila nagpapahiwatig ngang ang photoshoot ng tinaguriang Queen of All Media ay senyales ng isang malaking proyekto, pero mas marami ang naniniwalang hudyat na nga ito ng pagbabalik showbiz ni Kris.
Matagal ng naging usap-usapan ang sinasabing comeback ni Kris sa showbiz simula noong magbalik bansa siya at dito na ipinagpatuloy ang pagpapagamot ng kundisyon niya sa kalusugang may kinalaman sa multiple autoimmune diseases, sinasabing isang life threatening na kundisyon.
Bago pa man sumalang ang anak na si Bimby sa Eat Bulaga na ngayon nga’y laging pinag-uusapan at nakikila na bilang isang Dabarkad, nauna ng nagkaroon ng pictorial na tila collab ni Kris kay Dingdong Dantes. Inasahan ng marami na magtutuloy-tuloy yun, pero hindi pa nga nangyayari.
Pero nitong July 23 lamang, sa paglabas ng mga photos at ilang reels kung saan muling nasilayan ng madla ang kanyang hitsura na pang-TV o pang-showbiz with the help of her famous make-up artist, lahat ay umaasang finally, daw ay magbabalik showbiz na ang isang Kris Aquino.


