Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Kelvin Miranda, ilalaban pa rin ang hustisya para sa ama

Nakaburol pa rin ang tatay Patricio ng aktor na si Kelvin Miranda sa Caloocan City.

Mahigit isang linggo na ang nakalilipas nang pumanaw ito dahil sa aksidente sa kalsada. Nakatakdang i-cremate ang ama ng aktor ngayong darating na Martes, April 28.

 Ayon sa napag-alaman ng BISTADO, itutuloy pa rin daw ng pamilya Miranda ang pagsasampa ng kaso sa taong naging sanhi ng pagkaka disgrasya at pagkamatay ni daddy Patricio.  

Nagdiwang lamang ng kanyang ika-57th birthday ang tatay ni Kelvin last March 16, halos isang buwan bago ito mabangga sa minamaneho nitong motorsiklo noong April 17.

“Ganito pala ito kasakit kapag wala ka na,” bahagi pa ng IG story ng Kapuso actor nang mag-sink in daw dito ang pagkawala ng ama.

Dagdag pang pahayag ng binata, “Mahal na mahal kita. Hindi man natin ito nasasabi sa isa’t isa, pero alam kong alam mo na mahal kita, at alam ko rin na mahal mo ako. Masakit, Daddy. Lagi mo na lang ako sinasaktan, pero kahit na ganon, mahal na mahal kita at hindi kita makakalimutan.”

Hinangaan din ito sa pag-honor niya ng kanyang commitment sa natanguan niyang Fashion Week event ng Bench kamakailan kung saan nga rumampa pa siya habang nakaburol ang ama.

Si Kelvin ang punong abala sa pag-aasikaso ng mga papeles at dokumento hinggil sa pagpanaw ng ama at paghingi ng justice para dito.

Ang aming taos-pusong pakikiramay kay Kelvin at sa kanilang buong pamilya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles