Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

BINI Jhoana, may future as ‘news weather girl’

Nag-trending ang guesting ng BINI sa American morning television news and entertainment program na “Good Day LA” sa Los Angeles, California ng Fox 11.

Bongga ang naging partisipasyon nila sa show. Hindi lang sumalang sa interview ang P-pop queens dahil  nagpakitang gilas din sa pagre-report sa nasabing show ang leader ng Nation’s Girl Group na si BINI Jhoanna Robles. 

Isinama kasi ng resident weather forecast presenter ng show na si Maria Quiban, isang a Filipino-American TV meteorologist, si Jhoanna para samahan siya sa pag-uulat tungkol sa panahon sa LA.

Dahil dito ay maraming viewers ang humanga kay Jhoanna dahil bukod sa maganda niyang audio ay magaling din daw itong mag-present ng weather report at makipag-banter pa sa batikang news anchor kahit pa impromptu reporting ang ginawa niya sa nasabing morning show.

Hindi yata alam ng netizens na may solid background sa campus journalism ang leader ng BINI, kaya parang sanay na sanay ito sa pagbabalita. 

Papasa nga raw bilang newscaster, tv host o simpleng news weather girl ang maging fall back ni Jho in the near future.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles