Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Kapitan ng bangka tiklo sa Mindoro, ₱6.9M halagang fishing gear kinumpiska

Inaresto ng Philippine National Police (PNP) ang isang 37-anyos na kapitan ng bangka sa isinagawang maritime enforcement operation bandang 7:30 ng umaga noong Abril 11, Sabado, sa karagatang humigit-kumulang 11 kilometro mula sa baybayin ng Barangay Tayamaan, Mamburao, Occidental Mindoro.

Ayon sa PNP, nahuli ang suspek dahil sa paglabag sa Section 113 ng Republic Act 10654, na may kinalaman sa paggamit ng hindi lisensyadong fishing crew.

Isinagawa ang operasyon sa pamamagitan ng joint seaborne patrol na pinangunahan ng Occidental Mindoro Maritime Police Station, katuwang ang Mamburao Municipal Police Station, 402nd Marine Company ng Regional Mobile Force Battalion, at ang 2nd Provincial Mobile Force Company. 

Sa inspeksyon ng commercial fishing vessel, natuklasan ang hindi pagsunod sa fisheries regulations, dahilan para arestuhin ang kapitan.

Nasamsam sa operasyon ang mga ari-ariang may kabuuang tinatayang halaga na ₱6,960,000. Kabilang dito ang isang commercial fishing vessel na nagkakahalaga ng ₱6,000,000, marine engine na ₱260,000, fishing gear na ₱200,000, at tinatayang pitong tonelada ng samu’t saring isda na nagkakahalaga ng ₱500,000.

Dinala ang suspek at mga ebidensya sa Mamburao Municipal Police Station para sa dokumentasyon at legal na proseso. Isasailalim din ang kaso sa administrative proceedings sa BFAR Adjudication Board.

Ayon sa PNP, ang operasyon ay bahagi ng kanilang pagpapatupad ng batas sa ilalim ng Focused Agenda, na naglalayong palakasin ang police operations at tiyakin ang pagsunod sa fisheries laws.

Binigyang-diin ni PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na pagpapatupad ng batas sa karagatan.

“Consistent enforcement sends a clear message that illegal activities at sea will not be tolerated. We will continue to uphold the law and protect our resources,” aniya. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles