Malakas ang benta ng Jollibee Foods Corp. sa unang tatlong buwan ng 2026, pero kinain ng tumataas na commodity prices at supply chain costs ang profitability ng fast-food giant.
Nagtala ang Jollibee ng 10 percent increase sa systemwide sales, na umabot sa P113.9 billion noong first quarter, dahil sa matibay na demand sa Philippine at international markets.
Umakyat din ng 9 percent ang consolidated revenues sa P76.5 billion.
Pinakamalakas pa ring growth engine ng grupo ang flagship Jollibee brand, na nagtala ng 11 percent global sales growth at halos 10 percent growth sa operating income.
Sa Pilipinas, hinatak ng malakas na performance ng Mang Inasal at Jollibee ang 8 percent increase sa sales.
Sa international operations, lumago ang sales ng 14 percent, sa pangunguna ng Compose Coffee, Highlands Coffee, Tim Ho Wan, at Jollibee North America.
Nagpatuloy din ang global expansion ng kumpanya. Nagbukas ito ng 181 stores noong quarter, kabilang ang 149 overseas locations. Umabot na sa 10,421 outlets ang total global store network ng Jollibee.
Pero kahit mainit ang benta, humina ang kita dahil sa mas mataas na gastos. Tumaas ng 12 percent ang direct costs bunsod ng mas mahal na commodity at logistics expenses.
Bumaba ang operating income ng 18 percent sa P3.9 billion. Mas malaki ang bagsak ng net income attributable to shareholders, na bumaba ng 39 percent sa P1.5 billion.
Ayon sa kumpanya, nagdulot ng near-term cost volatility ang geopolitical tensions at inflationary pressures. Dahil dito, nirerepaso ng management ang bilis ng store openings, capital spending plans, at profitability expectations para sa nalalabing bahagi ng taon.
Para protektahan ang margins habang itinutuloy ang long-term growth, nagpapatupad ang Jollibee ng selective price increases, productivity initiatives, at tighter cost controls.
Patuloy din ang repositioning ng ilang bahagi ng international portfolio nito. Kabilang dito ang strategic store conversions sa Smashburger at pagpapalawak ng franchise-led China business.
Kamakailan, natapos din ng Jollibee ang acquisition ng South Korea’s Shabu All Day chain, na dagdag sa overseas growth platform ng grupo. /Bistado


