Pinag-uusapan sa socmed ang mga kuhang larawan kung saan magkakasama sina GMA7 top executive Atty. Annette Gozon, Joy Marcelo,Ellen Adarna at John Lloyd Cruz.
Nagkakasiyahan ang apat sa tila isang lunch o dinner meeting na iniisip ngayon ng mga netizen kung may something ba na niluluto ang network para sa dalawa.
Ayon sa nakalap ng BISTADO, magkaibigan sina Atty. Annette at Ellen kaya’t parang kaswal lang sa kanila ang magkita bilang friends. Okey din naman ang relasyon nina Lloydie at Ellen dahil never naman silang nagkaroon ng isyu sa co-parenting system nila sa anak na si Elias.
Si Ms. Joy Marcelo naman ay top executive din ng Sparkle Center na siyang artist house ng GMA 7 at namamahala sa career ng kanilang mga wards.
Huling napanood si Lloydie sa sitcom na “Happy Together” bilang co-producer ng GMA 7 (2021-2023) after nga niyang magpaalam sa ABS-CBN noong mawalan ito ng prangkisa noong 2020.
Nito lamang April, ayon pa rin sa BIstado source ay namataan si Lloydie sa bakuran ng GMA 7 hanggang sa mag-viral na nga nitong April 16 ang meeting niya with the said executives kasama si Ellen.
Posible nga kayang may pinag-usapan silang project for TV or movies?


