Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Inabandonang truck, nagturo sa umano’y P2.5-M copper ore smuggling

Natuklasan ng Philippine National Police (PNP) ang hinihinalang mineral smuggling operation matapos matagpuan ang isang inabandonang wing van na may kargang umano’y copper-bearing mineral ore sa Iligan City.

Narekober ang sasakyan sa Timoga, Barangay Buru-un noong July 27, sa pinagsanib na operasyon ng City Intelligence Unit at iba pang yunit ng Iligan City Police Office, mga intelligence unit ng PNP, mga pulis na deputized ng Mines and Geosciences Bureau (MGB), at Department of Environment and Natural Resources Region 10–Community Environment and Natural Resources Office Iligan.

Ininspeksiyon ng mga awtoridad ang kulay asul at pilak na wing van matapos mapansin ng mga residente ang ilang hindi nakikilalang indibidwal na pilit binubuksan ang likurang bahagi nito at inilalabas ang kargamento.

Nadiskubre sa loob ng sasakyan ang tinatayang 500 sako ng hinihinalang copper-bearing mineral ore na may market value na P2.5 milyon.

Walang nakitang driver o sinumang umangkin sa sasakyan at kargamento.

Wala ring naipakitang travel permit o iba pang kinakailangang dokumento para sa pagbiyahe ng mineral shipment.

Kinumpirma ng mga kinatawan ng DENR 10–CENRO Iligan at deputized MGB officer na hinihinalang copper mineral ore ang laman ng mga sako.

Inimbentaryo ang mga mineral at sasakyan sa harap ng mga saksi bago ini-turn over sa DENR 10–CENRO at MGB para sa dokumentasyon, kustodiya at tamang disposisyon.

Isasailalim pa sa megascopic analysis at pagsusuri ng MGB ang mga nakumpiskang mineral. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles