Hindi pa rin pala tumitigil ang bardagulan ng fans nina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach sa online world.
Imbes kasing katuwaan nila ang latest event na sinalihan ni Heart kamakailan ay mas tiningnan o nais nilang lagyan ng malisya ang pagsama ng ilang celebrities na malapit din kay Pia.
Mukhang nabuhay na naman nga raw ang isyu between Heart at Pia dahil napansin ng mga tsismosang netizens ang pagsama sa Closet Sale Party ni Heart ng ng dalawang tao na sobrang identified naman sa Miss Universe 2015.

Usap-usapan nga sa socmed ang trending picture ni Heart kasama ang makeup artist na si Mickey See at hairstylist na si Renz Pangilinan, na parehong mga katrabaho at kaibigan ni Pia.
Sa naturang event kasi ay may mga ilang celebrities at mga fashion-related people na nag-participate para sa adbokasiya nilang mag-declutter ng mga pre-loved items at iba pang fashion items para sa mahihilig sa mga “sale events.”
“Wala naman sigurong mali o masama sa pagsama nina Mickey at Renz dahil close din naman sila kay Heart. Huwag na lang sanang gawan pa ng isyu o intriga. Malinaw namang para sa goal nilang makapag-declutter at makapag-share ng mga fashion items ang kanilang ginawa and for sure ay hindi naman ito makaka-apekto sa friendship nila kay Pia. At hindi naman ito iindahin ni Pia if ever,” saad ng mga fashion netizen na parehong may paghanga kina Heart at Pia.


