Hindi naiwasan ni Anne Curtis na muling tumalak sa kanyang socmed na IG laban sa mga corrupt na pulitiko.
Gusto lang naman marahil ni Anne na i-flex ang husay ng kapatid niyang si Jasmine Curtis -Smith sa napanood niyang stage play nitong “ENDO” kamakailan.
Narito ang caption na pinost ni Anne sa kanyang IG, “Powerful story and performances. Literally felt so stressed, tired and sad while watching as it gives a glimpse of the everyday struggles of Filipinos. Wala ng oras para matupad ang pangarap dahil kailangan muna mabuhay, makakain, magpaaral at mag abroad dahil sa kakulangan ng suporta mula sa gobyernong korap. Wag natin kalimutan, ikulong na yang mga kurakot!”
Ang ikinaloloka ng ilang netizen ay naging mas mahaba pa ang ang pagkuda ni Anne laban sa mga tiwaling pulitiko kesa sa touching na pagbati niya kay Jasmine.
Nitong weekend nga ay naglaan talaga ng oras si Anne kasama sina Solenn Heussaff at Karylle para mapanood ang performance ng kapatid niya sa PETA Theater.
For sure, nasa bucket list ng mga kilalang artista ang makagawa ng isang stage play.
Kaya naman ganun na lang ka-proud si Anne sa nakababatang kapatid dahil sa napakahusay nitong performance sa naturang stage play.
Kantiyaw tuloy ng mga netizen, kailan naman kaya nila mapapanood si Anne sa ganung klase ng stage play kung saan malaya niyang maikukuda ang lahat ng kanyang disgusto sa gobyerno at malaya din niyang maisisigaw na “ikulong na iyang mga kurakot.”


