Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

‘Health proxy’ isasama na sa PhilHealth membership form

Pwede nang magtalaga ang mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng “health proxy” na kikilos para sa kanila sa healthcare matters sa ilalim ng bagong membership form na ilalabas ng ahensya ngayong September.

Ayon kay PhilHealth Vice President for Management Group Dr. Joseph Lachica, ina-update na ng ahensya ang membership at registration forms nito upang magkaroon ng hiwalay na bahagi kung saan maaaring ideklara ng miyembro ang kanyang health proxy.

“We’re updating our membership form, registration form, and in the latest update, we will include the field for declaring the health proxy,” ani Lachica.

Layunin ng pagbabago na mapadali ang access ng mga miyembro sa healthcare services, partikular para sa mga solo parent, Overseas Filipino Worker (OFW) at miyembro ng LGBTQIA+ community na nais magtalaga ng taong maaaring kilalanin ng healthcare providers bilang kanilang kinatawan.

Tiniyak naman ni Health Secretary Edwin Mercado na ilalabas bago matapos ang Setyembre ang updated PhilHealth member registration form.

Lumabas ang anunsyo habang ini-interpellate ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña ang mga opisyal. Binanggit ng kongresista na may ilang ospital na hindi kumikilala sa Right to Care Ordinance dahil wala umanong memorandum mula sa Department of Health (DOH).

Sa ilalim ng Right to Care Ordinance, maaaring magtalaga ang isang pasyente ng taong gagawa ng medical decisions para sa kanya sakaling hindi na niya kayang magdesisyon para sa kanyang sarili.

Kabilang sa mga local government unit na nagpapatupad ng Right to Care Ordinance ang Cavite, Quezon City, San Juan City, Parañaque City, Iloilo City, Cebu at Laguna. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles