Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Habagat, patuloy na magpapaulan sa Luzon, Western Visayas

Patuloy na paiiralin ng southwest monsoon o Habagat ang maulan panahon sa Luzon at Western Visayas ngayong Linggo.

Sa 4 a.m. bulletin, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na makakaranas ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, Cagayan, Zambales, Bataan, Nueva Ecija, Tarlac at Occidental Mindoro.

Nagbabala ang Pagasa sa posibleng flash floods at landslides dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na ulan sa mga naturang lugar.

Samantala, magiging partly cloudy hanggang cloudy ang Metro Manila, Visayas at natitirang bahagi ng Luzon, na may isolated rain showers o thunderstorms dulot pa rin ng habagat.

Partly cloudy hanggang cloudy rin ang Mindanao, na may isolated rain showers o thunderstorms dahil naman sa localized thunderstorms.

Posible rin ang flash floods at landslides sa mga lugar na makararanas ng matinding thunderstorms.

Katamtaman hanggang malakas na hangin at katamtaman hanggang maalon na karagatan ang inaasahan sa Extreme Northern Luzon at western Luzon.

Aabot sa 2.1 hanggang 3.1 metro ang taas ng alon sa Extreme Northern Luzon at 1.5 hanggang 2.8 metro sa western Luzon.

Sa natitirang bahagi ng bansa, magiging mahina hanggang katamtaman ang hangin, habang bahagya hanggang katamtaman ang pag-alon sa dagat, ayon sa Pagasa. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles