Solar power systems ang bagong isasama ng Government Service Insurance System (GSIS) sa Adopt-A-School Program nito para matulungan ang mga public school na hirap sa mahina o hindi maaasahang suplay ng kuryente.
Aabot sa 30 public schools ang target makatanggap ng hanggang P12 milyong learning support ngayong taon.
Bawat paaralan ay maaaring makatanggap ng hanggang P400,000 halaga ng tulong para sa technology at assistive learning devices, furniture, equipment at iba pang gamit para sa online at face-to-face classes.
“Public school teachers are GSIS members, and many of them teach in schools where electricity cannot be relied upon,” ani GSIS President at General Manager Wick Veloso.
“Through the Adopt-A-School Program, we are giving them the equipment and the steady power they need to teach well, and giving their students a fair chance to learn,” dagdag niya.
Gagamitin ang solar units para manatiling operational ang computers at iba pang learning technologies sa mga paaralang kulang o hindi stable ang electricity supply.
Makikipagtulungan ang GSIS sa Department of Education (DepEd) sa pagpili ng beneficiary schools, partikular ang last-mile at iba pang priority schools na nangangailangan ng technology at learning support.
Ang GSIS branch offices naman ang makikipag-coordinate sa napiling schools para tukuyin ang kanilang specific requirements at ayusin ang delivery ng assistance.
Noong 2025, nagkasundo ang GSIS at DepEd na tulungan ang 30 last-mile schools sa pamamagitan ng essential technology at learning resources.
Sa ilalim ng GSIS Board Resolution No. 133 na inilabas noong September 26, 2023, tatakbo ang Adopt-A-School Program mula 2024 hanggang 2027 at target ang 30 schools kada taon, o 120 paaralan sa loob ng apat na taon.
May P48 milyong approved allocation ang programa, katumbas ng P12 milyon kada taon.
Kasabay ang expansion ng paggunita sa National Teachers’ Day tuwing October 5 sa ilalim ng Republic Act No. 10743. Ang National Teachers’ Month naman ay ginugunita mula September 5 hanggang October 5, na may temang “Teacher, Ikaw Naman.” /Bistado


