Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ginebra-TNT finals simula na sa PBA Commissioner’s Cup

Maghaharap ang TNT Tropang 5G at Barangay Ginebra sa ikalimang yugto ng kanilang tunggalian simula 7:30 ng gabi ngayong Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City para sa korona ng PBA Season 50 Commissioner’s Cup.

Naging magkatunggali sa kampeonato sa tatlo sa nakaraang walong kumperensiya ang TNT at Ginebra — pabor sa TNT. 
Winalis ng Tropang 5G ang huling tatlong finals laban sa Ginebra, kung saan paulit-ulit na pinahirapan ni Rondae Hollis-Jefferson si Justin Brownlee at ang Gin Kings. 

Ngunit iba na ang kwento. Wala si Hollis-Jefferson dahil sa Achilles rupture. Gayundin si 7-foot-3 na kapalit na si Bol Manute Bol, na tinamaan ng parehong injury.

Si Chris McCullough, 31, ang bibida matapos pinangunahan ang San Miguel Beer sa 2019 Commissioner’s Cup title.

“Different na finals to, kasi hindi si RHJ ‘yung import namin, but we have si C-Mac na sobrang galing din,” ani TNT gunner na si RR Pogoy. “Magandang-magandang finals.”

Sa kabilang panig, si Justin Brownlee, 38, ay nananatiling sukatan ng kahusayan. May anim na PBA titles na siya — ang huli noong 2023.

Ngunit hindi lamang mga import ang magpapasya sa seryeng ito.

Inagaw ni RJ Abarrientos, ang paborito para sa Best Player of the Conference, ang sentro ng atensyon. Umiskor siya ng 30 puntos, 7 assists, 6 rebounds, 3 steals at isang block sa Game 6 na semifinals panalo laban sa Rain Or Shine, 118-107, isang araw matapos ang kanyang 31-point performance.

Noong finals ng nakaraang season, siya ang madalas puntiryahin ng TNT sa depensa. 

“It’s all about determination or willingness kung sino ‘yung gustong kunin ‘yung series na to,” sabi ni Abarrientos. “It’s not about skills, it’s not about kung ano ‘yung highlights mo sa court. It’s more on little things ngayon sa finals.”

Tumanggi naman si TNT coach Chot Reyes na tanggapin ang bansag na paborito kahit hawak nila ang 3-0 finals record laban sa Ginebra.

“First of all, we’re only defending champions in name. It’s a very different series this time,” ani Reyes. “The key is our ability to continuously adjust and adapt to Ginebra’s game. Whatever happened in the past, the history, the previous records, it doesn’t really matter to me now.”

Alam ni Ginebra coach Tim Cone ang bigat ng kasaysayan.
“It’s not fun being the second-placed team,” sabi ng 25-time champion coach. 

Patuloy na aasahan ng TNT sina Pogoy, Calvin Oftana, Jayson Castro at si Jordan Heading. 

Ilalaban naman ng Ginebra sina Abarrientos, Scottie Thompson, Stephen Holt, Troy Rosario at si Brownlee.

Huling nagkampeon ang Gin Kings noong Season 47 Commissioner’s Cup, kung saan tinalo nila ang guest team na Bay Area Dragons, 114-99, sa Game 7 sa harap ng 54,589 fans sa Philippine Arena sa Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles