Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Gerald Anderson, kinumpronta ng tatay ni Anthony Constantino

Imbes na makakuha ng simpatiya ay sobrang bashing pa ang inabot ng ama ni Anthony Constantino, isa sa mga up and coming artists ng Sparkle ng GMA 7.

Noong nakaraang Linggo sa isang basketball match na ginanap sa SM Seaside Arena sa Cebu City tampok ang mga celebrities at iba pang locals ay tila hindi nagustuhan ng ama ni Anthony ang medyo pisikal na laro ni Gerald Anderson.

tatay ni Constantino, to the rescue sa anak laban kay Anderson… kuha sa FB

Ayon sa nag-viral na video, makikitang nilapitan at kinumpronta ng ama ng model-influencer si Anderson at pinagsabihang, “don’t do that,” kaugnay ng nakita nitong tila pananakit sa anak na naturang basketball match.

Ang naturang basketball exhibition match ay laban sa pagitan ng Team 3rd Floor kung saan si Anderson ang isa sa mga nagbibida habang nasa Team Sparkle naman si Constantino.

Sa ginawang paglusob ng tatay ni Constantino ay lumabas tuloy na “daddy’s boy”  ang aktor at tinawag pa itong masyadong ‘binebeybi’ ng ama.

In  fairness naman daw kay Constantino ay hindi na nito pinalaki o pinatulan ang tila pisikal na laro ni Anderson dahil aware itong physical game naman talaga ang basketball.

Pero ang tatay niya ngayon ang nagmukhang kontrabida at masyadong over protective sa anak lalo’t larong pan-lalaki ang basketball.

Kinuyog tuloy siya ng netizen at inakusahang nagpapa-bida at nagpapansin lang sa isang bagay na hindi naman dapat pang pinalalaki.

Wala namang ipinahayag si Anderson na kilala din sa showbiz bilang mahusay na basketball player at coach.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles