Malaking hakbang sa streaming ang ginawa ng Fox Corp. matapos nitong pasukin ang $22 billion deal para bilhin ang Roku, ang connected TV platform na umaabot sa mahigit 100 million global streaming households.
Ang Fox ang media company sa likod ng Fox News, Fox Sports, at Tubi. Ang Roku naman ay may streaming operating system, advertising business, at The Roku Channel.
Sa ilalim ng transaksyon, nagkakahalaga ang Roku ng $160 kada share. Babayaran ito sa kombinasyon ng cash at Fox Class A common stock.
Pinagsasama ng deal ang live sports, news, at entertainment content ng Fox sa malawak na streaming audience at technology platform ng Roku. Layon nitong palakasin ang puwesto ng Fox sa connected TV market at bigyan ito ng direktang access sa isa sa pinakamalalaking streaming audiences sa industriya.
Para sa Roku, inaasahang magbibigay ang deal ng dagdag na scale at content para palakasin ang engagement at magbukas ng bagong growth opportunities sa advertising at streaming.
Kapag naisara ang transaksyon, inaasahang magiging third-largest player sa US television ang combined company batay sa share of viewing. Tinataya rin ng Fox ang humigit-kumulang $400 million sa annual run-rate cost synergies, bukod sa posibleng revenue opportunities sa paglipas ng panahon.
Inaasahang hawak ng Fox shareholders ang humigit-kumulang 73 percent ng combined company, habang 27 percent naman ang mapupunta sa mga Roku shareholders.
Target maisara ang deal sa first half ng 2027, depende sa shareholder at regulatory approvals. /Bistado


