Habol ka, hanggang ngayong araw lang!
Nagpaulan ng hanggang 50 porsiyentong discount sa pamasahe ang Philippine Airlines (PAL) para sa pagbabalik ng direct flights nito sa Manila-Dubai route.
Hanggang ngayong Miyerkules, September 23, lamang ang booking period para sa special promotional fares, kaya kailangang makapag-book agad ang mga pasaherong gustong samantalahin ang alok.
Sakop ng promo ang piling Manila-Dubai flights para sa travel period mula October 1 hanggang November 30, 2026.
Ibabalik ng PAL ang nonstop Manila-Dubai service simula October 1, bahagi ng pagpapalakas ng airline sa connectivity sa pagitan ng Pilipinas at United Arab Emirates.
Araw-araw ang biyahe sa ruta gamit ang Airbus A330 aircraft.
Aalis ang Manila-Dubai flight mula Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 ng 7:40 p.m. at lalapag sa Dubai International Airport ng 12:15 a.m. kinabukasan.
Ang Dubai-Manila flight naman ay aalis ng Dubai ng 2:15 a.m. at darating sa Manila ng 3:10 p.m.
Malaking merkado ang Dubai para sa mga Filipino traveler dahil sa dami ng overseas Filipino workers at kanilang pamilya na bumibiyahe sa pagitan ng Pilipinas at UAE.
Bukod sa Dubai, nagsisilbi rin ang PAL sa Middle East sa pamamagitan ng flights patungong Riyadh, Jeddah, Dammam at Doha. /Bistado


